Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,410 total reads

Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding.

Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo.

Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala sa mga bahay at gusali.

“Totoong napakahirap, nabagabag ang lahat at nababalitaan kong maraming property damage kaya pasalamat tayo sa Diyos pero gayunpaman ang importante yung tulad ng ating karanasan na pagtutulungan at pagdadamayan ang siyang makakatulong sa ating pagharap sa pagsubok para sa ating mga kapatid na nasalanta,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Bancud.

Ipinagpapasalamat din ni Bishop Bancud na sa ika-pito ng umaga ng September 26 walang ulat ng pagbaha at wala pang naiulat na nasasawi sa lalawigan.

Panalangin naman ng Obispo na biyayaan ng Panginoon ng katatagan ng loob ang bawat mamamayan sa lalawigan upang malampasan ang panibagong pagsubok na idinulot ng Bagyong Karding

“Aking panalangin para sa ating lahat at harinawa yung ating pagkakaisa, pagdadamayan at pagtutulungan ang siyang magbigay ng tibay ng kalooban na makaya nating malampasan ang lahat ng mga ito,” ayon sa pananalangin ni Bishop Bancud.

Iniulat naman sa Radio Veritas ni Fr. Boyet Valenzuela na partially damage ng bagyong Karding ang General Nakar ngunit mas matindi ang pinsala ang iniwan sa isla ng Burdeos.

Inihayag naman ni Fr. Israel Gabriel, Social Action Director ng Prelatura ng Infanta na hindi labis na napinsala ng bagyo ang lalawigan ng Aurora.

“May mga natanggap na kaming initial reports from Dinalungan, Casiguran at Dilasag ito yun mga nasa pinaka-dulo ng Aurora at dito sa Central Aurora, hindi po apektado masyado ang lalawigan ng Aurora, nagkaroon lang ng pabugso-bugsong ulan pero hindi siya alarming na tulad ng dati,” mensahe ni Fr. Gabriel sa Radio Veritas

Sinabi ni Fr. Gabriel na magsasagawa sila ng rapid assessement sa Polilio island at iba pang lugar sa Quezon province sa pinsalang iniwan ng bagyong Karding.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,652 total reads

 10,652 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,119 total reads

 66,119 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,484 total reads

 151,484 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,221 total reads

 198,221 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,093 total reads

 246,093 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,787 total reads

 346,787 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,936 total reads

 313,936 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,033 total reads

 420,033 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top