Bigyang-pansin ang mga katutubo sa Sierra Madre, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 906 total reads

Nananawagan si Prelature of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na bigyang-pansin ang kalagayan ng mga katutubong naninirahan sa Sierra Madre.

Ito ang pahayag ni Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples kasabay ng pagsusulong sa petisyong pangalagaan ang Sierra Madre laban sa mga mapaminsalang proyekto tulad ng Kaliwa Dam.

Ayon sa Obispo, hindi sapat ang petisyon lamang para sa pangangalaga sa bulubundukin at mga apektadong katutubo para tutulan at tuluyang mapigilan ang pagpinsala sa kalikasan.

Paliwanag ni Bishop Dimoc, kailangan ding magkaroon ng pisikal na gawain na mapagtutuunan ng pamahalaan partikular na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) ang karapatan ng mga katutubong naninirahan at nangangalaga sa Sierra Madre.

“They need warm bodies to march to DENR and to NCIP and demand for effective ways to protect rights of Dumagats-Remontados. Matagal na silang na-invade ng gobyerno (legal logging in 1970’s, and now, huge Kaliwa Dam) at outsiders (coconut, mango and cacao plantations). Protests in front of DENR and NCIP are needed,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Katulad ng pang-aabusong nararanasan ng Sierra Madre sa mga malalaking kumpanya, nararanasan din ng mga katutubo ang pang-uusig at pagbabanta upang maisakatuparan ang mga mapaminsalang proyekto.

Tinatayang aabot sa higit 11,000 katutubo ang lubhang maaapektuhan at mawawalan ng tahanan kapag hindi tuluyang napigilan ang Kaliwa Dam Project at iba pang proyektong pumipinsala sa Sierra Madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,593 total reads

 32,593 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,264 total reads

 69,264 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,475 total reads

 87,475 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,803 total reads

 171,803 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,712 total reads

 207,712 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,963 total reads

 80,963 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top