Mga Layko, pinuri ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 901 total views

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang malaking tungkulin ng mga layko sa paglago ng simbahang katolika.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairman Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, ginagampanan ng mga layko ang pagiging tagapagpahayag ng mabuting balita sa mga pangkaraniwang gawain sa lipunan.

Umaasa si Bishop Pabillo na pagsumikapan ng bawat layko na dalhin si Hesus sa mga komunidad upang higit na maipakilala sa sangkatauhan.

“Sana itong mga layko ay maging conscious sa pagsasabuhay at pagpapahayag ng kanilang pananamapalataya kung nasaan sila lalo na sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng opisyal ang kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas sa National Laity Week na nagsimula noong September 24 hanggang October 1.

Tema ng National Laity Week 2022 ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission” na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

Ayon naman kay Novaliches Bishop Roberto Gaa kung magbuklod ang mga layko sa pagkilos ay magiging matatag at lalago ang simbahang katolika sa Pilipinas.

“Kung ang 99-percent na mga layko ay magiging aktibo, nakikilahok, at nagmimisyon ay doon makikita ang lakas ng layko at pag-unlad ng simbahan,” ani Bishop Gaa sa panayam ng himpilan.

Layunin sa taunang paggunita ng National Laity Week na mabigyang kamalayan ang mga layko sa misyong ebanghelisasyon ng simbahan.

Pangunahing tagapagsulong ng programa ng mga layko ang Sangguniang Layko ng Pilipinas – implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECL) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan Katolika sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 31,534 total views

 31,534 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,885 total views

 59,885 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 127,615 total views

 127,615 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 150,766 total views

 150,766 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 218,625 total views

 218,625 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top