Contractualization, inaasahan ng Pari na buwagin ng bagong pinuno ng I-L-O

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Ang pagpapaigting sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ang higit na kinakailangan ng buong mundo.

Ito ang mensahe ni Father Eric Adoviso – Minister ng Manila Archdiocese Ministry for Labor Concern (AMLC) bilang pagkilala sa bagong pinuno ng International Labour Organization (ILO).

“At the same time sana yung mga manggagawa ay talagang makamtam nila lalo na sa Pilipinas na makamtam yung kapakanan nila, yung matagal na nilang hinahangad na mga minimum wage ay sana naman tumaas pa dahil hindi naman bumababa ang presyo ng mga bilihin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Adoviso.

Panalangin din ni Father Adoviso para sa bagong pinuno ng ILO ang pagpapaigting ng pagbuwag sa kontrakwalisasyon na bukod sa Pilipinas ay nararanasan rin ng mga manggagawa sa buong daigdig.

Umaasa ang Pari na pangalagaan din ng I-L-O ang karapatan ng mga manggagawa na magtayo ng mga ‘union’ at isabuhay ang Ensiklikal ng dating Santo Papa na si Pope John Paul II na ‘Labora Exercen’.

“Sa Laborem ay hinihimok ni Saint John Paull II na magtayo ng asosasyon, ng union para maprotektahan ang interes ng manggagawa, yun mahahalaga iyon, sa Pilipinas, maging maganda yung sahod sa manggagawa, tapos yung kontrakwalisasyon matapos na at yung security of tenure,” pahayag ni Father Adoviso.

September 30 ng isagawa ang turnover ceremony ni Director-general Guy Ryder kay Gilbert Houngbo bilang bagong pinuno ng ILO.

Sa sampung taon na pamumuno ni Ryder, bukod sa pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa ay naging adbokasiya nito ang pagtataguyod sa ekonomiya ng mga bansang madalas na nakakaranas ng natural na kalamidad at digmaan.

Samantala, bukod sa pagiging dating Prime Minister ng Togolese Republic sa West Africa ay nakilala si Houngbo bilang isang ekonomista na nagtataguyod ng kapakanan ng mga mahihirap na komunidad sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Si Houngbo rin ang kasalukuyang Pangulo ng International Fund for Agricultural Development (IFAD) at Chairman ng United Nations Water na tinitiyak ang pagkakaroon ng malinis na suplay ng inuming tubig sa pinakamahihirap na bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 47,998 total reads

 47,998 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 95,869 total reads

 95,869 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 199,817 total reads

 199,817 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 285,931 total reads

 285,931 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 353,752 total reads

 353,752 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top