Paggamit ng nuclear weapon sa Ukraine-Russia war, ikinabahala ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Ikinababahala ng Santo Papa Francisco ang banta ng pag-igting ng digmaan at paggamit sa armas nukleyar sa patuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa kanyang Angelus, inilaan ng Santo Papa ang kaniyang pananalangin at panawagan na magkaroon ng tigil putukan at bigyang paggalang ang teritoryo ng bawat bansa.

Ikinalulungkot din ng Santo Papa ang patuloy na pagdami ng nasasawi dahil sa digmaan lalo na ang mga batang biktima.

Muli hinimok ng Santo Papa ang Russia na ihinto na ang paglusob habang hinihiling naman sa Ukraine na bigyang puwang ang pagkakaroon ng usapang pangkapayapaan.

“My appeal is addressed first and foremost to the President of the Russian Federation, imploring him to stop this spiral of violence and death, also for the sake of his own people. On the other hand, saddened at the immense suffering of the Ukrainian people as a result of the aggression they have suffered, I address an equally confident appeal to the President of Ukraine to be open to serious proposals for peace,” ayon kay Pope Francis.

Giit pa ni Pope Francis sa international communities na gawin ang lahat ng paraan upang mapahupa ang kaguluhan at hindi maging dahilan nang higit pang paglubha ng digmaan.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa pitong buwan ang digmaan na nagsimula nang lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.

Pakiusap pa ni Pope Francis, “Please let the younger generations breathe the salutary air of peace, not the polluted air of war, which is madness!”

Muli’y hinikayat ng Santo Papa Francisco ang pagtitiwala sa awa ng Panginoon na makakapagpabago ng mga puso, nang pamamagitan ng Ina ng Kapayapaan sa pamamagitan ng pagsusumamo sa Mahal Birhen ng Rosaryo na kaisa ng bawat mananampalataya na natitipon sa mga dambana sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 35,754 total reads

 35,754 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 75,523 total reads

 75,523 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 182,401 total reads

 182,401 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 227,066 total reads

 227,066 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 247,406 total reads

 247,406 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top