Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

150-milyong pisong confidential fund ng DepEd, mananatili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,725 total views

Mananatili ang 150 milyong pisong confidential fund sa panukalang pondo ng Department of Education (DepEd) sa susunod na taon na nagkakahalaga ng kabuuang 710 bilyong piso.

Ito ang inihayag ni Zamboanga City 2nd district Representative Manuel Jose Dalipe-kaugnay sa pagtalakay ng bawat komite sa mga aamyendahang panukala matapos ang sponsor deliberation ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa 2023 national budget.

“I am one with him for additional budget for classrooms but not necessarily naman kukunin sa confidential funds because when the Vice-president was here during the sponsorship of the budget of our department, the Department of Education, clear naman kay Vice president-secretary Sara Duterte ‘yung purpose ng confidential fund,” ayon kay Dalipe.

Sinabi ni Dalipe, maaring magkaroon pa ng karagdagang pondo ang DepEd para sa pagsaaayos ng mga nasirang paaralan dulot ng kalamidad, at hindi ito magmumula sa confidential fund ayon sa mungkahi ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel.

Sa nakalipas na pananalasa ng Super Typhoon Karding, aabot sa P112-milyon halaga ang kinakailangan ng DepEd sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan.

Ito ay bukod pa sa 40-bilyong pisong halaga ng mga classroom na kailangang sumailalim sa pagkukumpuni sa mga paaralang una ng nasira sa mga nagdaang kalamidad.

Matapos ang pag-amyenda, inaasahang sa mga susunod na araw ay isusumite na sa Mataas na Kapulungan ang bersyon ng Kamara sa 2023 proposed budget na nagkakahalaga ng higit sa limang trilyong piso.

Dagdag pa ng mambabatas, wala ding inaasahang malaking pagbabago sa panukalang pondo maliban lamang sa mga kahilingan ng mga mambabatas sa ilang ahensya ng karagdagang pondo.

Naniniwala naman ang simbahang Katolika na ang pagiging bukas sa publiko sa mga paglalaanan ng pondo ay isang paraan upang maiwaksi ang katiwalian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 47,273 total views

 47,273 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 92,996 total views

 92,996 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 95,206 total views

 95,206 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 166,900 total views

 166,900 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 175,952 total views

 175,952 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top