UST, binisita ng Krus ng Sierra Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,592 total reads

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Katolikong Pilipino sa krus ng Panginoong Hesus.

Ito ang pagninilay ni Columban Fr. John Leydon sa pagpapasinaya sa “Ikalawang Paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre” sa University of Santo Tomas Santisimo Rosario Parish Church bilang bahagi ng pagdiriwang ng Season of Creation, Save Sierra Madre Day, at Kapistahan ni San Francisco de Asis.

Ayon kay Fr. Leydon, chairman ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, makikita sa krus ng Panginoon ang kanyang pagdurusa at paghihirap upang makamtan ang katubusan ng tao mula sa kasalanan.

Ibinahagi ng pari na ito ang naging inspirasyon upang malikha ang krus ng Sierra Madre na sumisimbolo sa kinakaharap na pagsubok ng kalikasan na unti-unti nang nasisira dahil sa pagsasamantala ng mga tao.

“Iyong simbolong ginagamit natin ay ang simbolo ng krus ng ating Panginoon. At ang laman nito ay ‘yung kahoy na galing sa Sierra Madre mismo… Dito sa Pilipinas, napakahalaga ng krus na nagdurusa ang ating Panginoon kasi ‘yan ang karanasan ng mga tao; at ang karanasan natin ngayon ay pagdurusa hindi ng tao lamang kun’di pagdurusa ng buong sangnilikha,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Leydon.

Tema ng programa ang Buhay ng Sierra madre, Buhay nating Lahat: Dinggin ang Tinig ng Sierra Madre, Panumbalikin ang Kanyang buhay.

Nilalayon ng paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre na pukawin ang kamalayan ng mga mamamayan na maging aktibo sa paglahok sa pangangalaga ng Sierra Madre na humaharap sa iba’t ibang pagsubok tulad ng itinatayong Kaliwa Dam, pagmimina, at pagpuputol ng mga punongkahoy.

Katuwang ng UST sa paglulunsad ang Save Sierra Madre Network Alliance, Laudato Si’ Movement Pilipinas, at Our Lady of Remedies-Malate Catholic Church.

Unang inilunsad ng Save Sierra Madre Network Alliance ang Paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre noong 2012 na may temang Padyak: Pagpapanumbalik sa Dating Kaayusan ng Kalikasan.

Naging layunin nito ang gisingin ang kamalayan ng mamamayan kasunod ng naganap na malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sanhi ng pananalasa ng bagyong Ondoy at mapaminsalang gawain sa Sierra Madre noong 2009.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 98,915 total reads

 98,915 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 181,945 total reads

 181,945 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 276,276 total reads

 276,276 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 337,959 total reads

 337,959 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 379,082 total reads

 379,082 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 213,451 total reads

 213,451 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top