Caritas Philippines, magtatayo ng Simbayanihan movement sa bawat parokya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,027 total reads

Pinangunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines NASSA/Caritas Philippines ang national launch ng Simbayanihan Movement na layuning isulong ang mabuting pamamahala ng mga opisyal sa pamahalaan.

Kasama ang mga kinatawan, direktor ng mga Social Action Centers (SAC) ng 85-diyosesis ay sama-samang nilagdaan sa Caritas Philippines Academy ang kasunduan ng Simbayanihan Movement.

Sa tulong ng mga S-A-C ay paiigtingin ng simbahang katolika ang pakikibahagi sa pulitika lalu na sa mga baranggay sa pamamagitan ng educational at information disseminations hinggil sa mabuting pamamahala.

Nilinaw naman ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi pangingi-alam ng simbahan sa pulitika ang paglulunsad sa Simbayanihan.

Iginiit ng Obispo na hangarin nito na ituro ang moralidad at mabuting pamamahala sa mamamayan higit na sa mga namamahalang pulitiko.

“Mahirap pero dapat nating gawin, sapagkat yung pagpapatakbo ng isang mahusay na lipunan ay moral duty rin ng ating simbahan, sapagkat yung moral obligation natin, dapat nating ituwid yung mali at dapat din nating ituro kung ano yung dapat,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Bagaforo.

Ayon naman kay Father Tony Labiao – Caritas Philippines Executive Secretary, inaasahan na maabot ng adbokasiya ang buong bansa sa loob ng isang taon sa paglulunsad nito sa diocesan at baranggay levels.

“Mahalaga yung organizing at education so nakikita ko after today i-organize na yung mga regional assemblies, yung mga regional launching, disseminate the information and then 2nd move natin is really to organize the teams, para tuloy-tuloy na ang gawain,” ayon sa pahayag ni Father Labiao.

Inaasahan rin ng mga kinatawan ng Caritas Philippines na magbubunga ng pagbuti sa kalagayan ng mahihirap na mamamayan ang layunin ng Simbayanihan movement.

Naniniwala ang social arm ng C-B-C-P na kapag nawala ang katiwalian sa pamahalaan ay mailalaan ang mga pondong dapat ilaan sa mga programa o inisyatibo na nakatuon sa pag-unlad ng mamamayan.

Ayon sa 2021 Corruption Perception Index ng Transparency international, nakamit ng Pilipinas ang ika 117 puwesto sa Global Corruption index mula sa 180 bansa.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 6,910 total reads

 6,910 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 32,495 total reads

 32,495 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 73,054 total reads

 73,054 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 99,420 total reads

 99,420 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 147,687 total reads

 147,687 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 168,309 total reads

 168,309 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,276 total reads

 24,276 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top