UST, binisita ng Krus ng Sierra Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,507 total reads

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Katolikong Pilipino sa krus ng Panginoong Hesus.

Ito ang pagninilay ni Columban Fr. John Leydon sa pagpapasinaya sa “Ikalawang Paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre” sa University of Santo Tomas Santisimo Rosario Parish Church bilang bahagi ng pagdiriwang ng Season of Creation, Save Sierra Madre Day, at Kapistahan ni San Francisco de Asis.

Ayon kay Fr. Leydon, chairman ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, makikita sa krus ng Panginoon ang kanyang pagdurusa at paghihirap upang makamtan ang katubusan ng tao mula sa kasalanan.

Ibinahagi ng pari na ito ang naging inspirasyon upang malikha ang krus ng Sierra Madre na sumisimbolo sa kinakaharap na pagsubok ng kalikasan na unti-unti nang nasisira dahil sa pagsasamantala ng mga tao.

“Iyong simbolong ginagamit natin ay ang simbolo ng krus ng ating Panginoon. At ang laman nito ay ‘yung kahoy na galing sa Sierra Madre mismo… Dito sa Pilipinas, napakahalaga ng krus na nagdurusa ang ating Panginoon kasi ‘yan ang karanasan ng mga tao; at ang karanasan natin ngayon ay pagdurusa hindi ng tao lamang kun’di pagdurusa ng buong sangnilikha,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Leydon.

Tema ng programa ang Buhay ng Sierra madre, Buhay nating Lahat: Dinggin ang Tinig ng Sierra Madre, Panumbalikin ang Kanyang buhay.

Nilalayon ng paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre na pukawin ang kamalayan ng mga mamamayan na maging aktibo sa paglahok sa pangangalaga ng Sierra Madre na humaharap sa iba’t ibang pagsubok tulad ng itinatayong Kaliwa Dam, pagmimina, at pagpuputol ng mga punongkahoy.

Katuwang ng UST sa paglulunsad ang Save Sierra Madre Network Alliance, Laudato Si’ Movement Pilipinas, at Our Lady of Remedies-Malate Catholic Church.

Unang inilunsad ng Save Sierra Madre Network Alliance ang Paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre noong 2012 na may temang Padyak: Pagpapanumbalik sa Dating Kaayusan ng Kalikasan.

Naging layunin nito ang gisingin ang kamalayan ng mamamayan kasunod ng naganap na malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sanhi ng pananalasa ng bagyong Ondoy at mapaminsalang gawain sa Sierra Madre noong 2009.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,930 total reads

 5,930 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,766 total reads

 30,766 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 71,325 total reads

 71,325 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,779 total reads

 97,779 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,045 total reads

 146,045 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,737 total reads

 166,737 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,213 total reads

 129,213 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top