Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maraming Salamat sa mga guro-CBCP-ECCCE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 763 total views

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) ang kakayahan at pagsisikap ng bawat guro sa paggunita ng World Teachers Day.

Ayon kay San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, nawa ay magamit ang pagkakataon ng taunang pagdiriwang upang mabigyan ng karagdagang pansin ang pangangailan ng mga guro.

Ayon sa Obispo, kaugnay sa naunang panawagan ng United Nations at International Labor Organization sa paglulunsad ng World Teachers Day noong 1966, ito ay upang bigyang-pansin ang mga suliranin ng mga guro tulad ng suweldo, benepisyo, edukasyon at pangangailangan ng mga estudyante.

“Alam natin ang mga teachers ang ating ikalawang magulang sa mga school kaya nga’t sila’y kabahagi sa paghuhubog sa isip at sa puso ng ating mga pupils and students o mga learners kaya tayo nagpapasalamat sa kanila dahil nga sakripisyong kanilang ibinibigay sa ating mga kabataan at sa mga bata,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Paalala naman ni Fr. Ernesto De Leon ng CBCP-ECCE sa mga guro higit na gamitin ang pagkakataon nang pagtuturo upang ituro ang pananampalatayang kristiyano sa mga mag-aaral.

Ito ay upang mahubog sa bawat estudyante ang ugaling may pakialam, pagmamahal at awa sa kapwa.

“It is very important that teachers impart these things, sabi nga unang mga natututunan din sa bahay ang mga ‘yan right? pero mas napapalalim ‘yan sa mga schools at ang mga nagpapapalalim niyan ay yung mga teachers, please always remember the impact you have on the life of every individual you are teaching,” ayon kay Father De Leon.

Ilan sa mga suliranin ng mga guro at ng sektor ng edukasyon ay ang kakulangan ng mga silid-aralan na ayon sa Department of Education (DepEd) noong Agosto, sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral ay aabot sa 91-libong mga bagong classrooms ang kinakailangan maitayo sa buong bansa.

Batay sa School Year 2022-2023 data ng Department of Education ay aabot sa 900-libong mga guro ang nagtuturo sa buong Pilipinas habang aabot naman sa 28-milyong estudyante sa parehong mga pampubliko at pampribadong sektor ang kabuoang bilang ng mga mag-aaral ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 4,724 total views

 4,724 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 20,420 total views

 20,420 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 28,820 total views

 28,820 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 93,498 total views

 93,498 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 160,813 total views

 160,813 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top