Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon, 06 Oktubre 2022, Luk 11:5-13

Isang eksena sa pelikulang Tanging Yaman ang bumalik sa isip ko habang binabasa ko ang ebanghelyo natin ngayon. Iyung eksena tungkol sa pag-uusap sa loob ng simbahan nina Gloria Romero, na gumanap bilang lola, at ni Shaina Magdayao, na gumanap bilang apo.

Nagmamasid pala ang bata sa mga nagdadasal sa simbahan—may paluhod na lumalakad patungong altar habang nagrorosaryo, nagdarasal para sa anak niyang addict. May isang amang nakatingala at mukhang problemado sa hanapbuhay, may dalagitang nabuntis sa pagkadalaga at umiiyak dahil hindi alam ang sasabihin sa parents niya. May babaeng nasa may pintuan at parang nahihiyang pumasok dahil nakikiapid sa isang may-asawa.

Tinanong ng bata ang lola niya:

“Lola, hindi ho ba siya nalilito?”

“Hmm, sino?” (Sabi ng lola.)

“Ang Diyos po.” (Sagot ng apo.)

“Nalilito saan?” (Tanong ng matanda.)

“Pag sabay-sabay pong nagdarasal ang mga tao, tapos iba-iba pa po ang hinihingi natin. Lahat po ba tayo naririnig niya?” (Tanong ulit ng bata.)

Hinarap ng lola ang apo at nakangiti niyang sinabi:

“Kahit iyung hindi binibigkas ng ating bibig, at iyung lihim na idinadaing ng ating mga puso naririnig din niya iyon. Kunwari, ikaw, alam ko paglabas natin dito sa simbahan mamaya… gusto mo, ibili kita ng lobo?”

Surprised ang bata, excited na sinabi, “Po? Pano po ninyo nalaman?”

Sagot ni lola: “Kasi mahal kita e. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung ano ang nakapagpapasaya sa iyo. Ganyan din ang Diyos, alam niya kung ano ang nakapagpapasaya sa atin dahil mahal niya tayo.”

Ngingiti si apo, follow-up question siya ulit:

“Kahit ano pong hingin ko sa kanya ibibigay niya sa akin?”

Serious face si lola. Sabi niya, “Kung ito ay makakabuti sa iyo. Pero kung hindi, bakit niya ibibigay? Alam mo, kung minsan dahil sobra tayong apurado, akala natin binabalewala niya tayo. Pero ang totoo naghihintay lang siya ng tamang panahon.”

May kakulitan ang bata, pero pinakinggan siya at sinagot ng lola niya. Parang tayo rin sa harapan ng Diyos, sabi ni Hesus sa ebanghelyo. Pwede natin siyang kulitin, pwedeng maglambing sa kanya, ok lang, kasi mahal niya tayo. Alam niya ang hinihiling natin bago pa natin sabihin sa kanya.

Minsan, tulad ni St. Paul sa unang pagbasa, sasagot siya pero masakit ang salita niya. Pati ang galit niya ay hindi pagkamuhi ang pinanggagalingan kundi malasakit. Parang galit ng magulang sa anak kapag matigas ang ulo, kapag pasaway ang dating o ayaw makinig o hindi mapagsabihan. Ibang klaseng galit iyon. Pinagagalitan ka dahil minamahal ka.

Minsan naman, tahimik lang siya. Parang ibig tuloy nating magtampo dahil akala natin wala siyang pakialam sa pinagdaraanan natin. Iyun pala, naghihintay lang siya ng tamang panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 20,827 total reads

 20,827 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 128,003 total reads

 128,003 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 164,790 total reads

 164,790 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 195,364 total reads

 195,364 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 242,913 total reads

 242,913 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 13,498 total reads

 13,498 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 13,138 total reads

 13,138 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 38,330 total reads

 38,330 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 102,353 total reads

 102,353 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top