Administrasyong Marcos, hinamong ipatupad ang malinaw na employment plan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 643 total views

Malinaw na employment plan sa labor sector at maayos na agrarian reforms sa sektor ng agrikultura.

Ito ang panawagan sa pamahalaan ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa mabagal na paglago ng ekonomiya dahil sa mataas na inflation rate, mataas na presyo ng mga bilihin, oil price hike at kawalan ng trabaho ng mga manggagawa sa iba’t-ibang sektor.

“Gaano man ka-limitado ang espasyo para sa mga unyon at labor rights advocates sa ganitong proseso, hindi makakailang ang kawalan ng Philippines tri-partite Labour & Employment Plan ay senyales din ng pagpapatuloy ng kawalang-pansin sa napakahirap na kalagayan ng mga manggagawa mula sa administrasyong Duterte hanggang sa ngayon,”mensahe sa Radio Veritas ni Rochelle Porras, Executive Director ng EILER.

Ikinadismaya ni Porras ang kakulangan ng pagtugon ng administrasyong Marcos sa pangangailangan ng mga manggagawa.

Tinukoy ni Porras ang Philippine Statistics Authority na umabot sa 2.68-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa nakaraang buwan ng Agosto 2022 lalu na sa sektor ng agrikultura na naitala sa 286-libo.

Pinangangambahan ni Porras na lalu pang babagsak ang agriculture sector kung patuloy na hindi maipatupad ng kasalukuyang administrasyon ang mga agricultural reform.

“Dapat nang ipatupad ang tunay na repormang agraryo upang maisulong ang pagpapaunlad ng kanayunan at pambansang industriyalisasyon, nang sa gayon ay makalikha ng disenteng trabaho at matiyak na may marangal na kabuhayan ang mga Pilipino,”pahayag ni Porras sa Radio Veritas.

Bukod sa mataas na unemployment rate, umaabot na rin sa 3.1-million ang poverty rate ng mga Pilipino sa unang quarter ng 2022.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na lumikha ng mga polisiya at batas na tutulungan ang mga manggagawa upang makapamuhay ng may dignidad sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 16,945 total views

 16,945 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 52,735 total views

 52,735 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 94,627 total views

 94,627 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 148,165 total views

 148,165 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 173,974 total views

 173,974 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 9,189 total views

 9,189 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top