Synodality in action, isinasabuhay sa pagtitipon ng FABC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Inilarawan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang sama-samang paglalakbay bilang magkakapatid sa pagtitipon ng Asian bishops sa Federation of Asian Bishops Conference.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino, naisabuhay sa pagpupulong ang Synodality ng Kanyang Kabanalan Francisco ang paksang pinagtutuunan ng mga obispo sa Asya.

“This general conference of FABC at 50 years is indeed a Synodality in action, our collegiality in practice. We feel as one family, walking together as one for well-being of the Church and working hand in hand under the vision and mission of our Holy Father, Pope Francis,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng obispo na tampok sa mga talakayan ang pagpapaigting ng simbahan sa paglilingkod sa mananampalataya sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

Tema sa ika – 50 anibersaryo ng FABC ang “Journeying together as peoples of Asia … then they went another way” na naglalarawang bagamat magkaiba ang hamong kinakaharap ng simbahan ng bawat bansa ay mahalaga ang pagbubuklod tungo sa mas matibay at maunlad na pananampalataya.

Ibinahagi ni Bishop Santos na 270 opisyal ng simbahan ang dumalo sa pagtitipon kung saan 200 dito ay mga obispo at 17 ang mga cardinal mula sa 29 na bansang kasapi ng FABC.

Una nang sinabi ng CBCP na tatalakayin nito sa pagpupulong ang resulta ng isinagawang synodal consultations sa 86 na mga diyosesis sa bansa.

Ginaganap ang FABC General Conference sa Archdiocese of Bangkok sa Thailand mula noong October 12 hanggang October 30.
Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng CBCP ang delegasyon ng Pilipinas kasama ang mga opisyal ng permanent council.

Itinatag ang FABC noong 1970 kasunod ng pagdalaw ni Pope, St. Paul VI sa Pilipinas na nasaksihan ang buhay na pananampalataya sa Asya lalo na ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 25,340 total reads

 25,340 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 105,627 total reads

 105,627 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 199,853 total reads

 199,853 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 260,342 total reads

 260,342 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 272,924 total reads

 272,924 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,933 total reads

 36,933 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top