Green groups, hiniling sa DENR na ipawalang bisa ang ECC ng LNG power plant sa Batangas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Nagsampa ng reklamo ang mga makakalikasang grupo sa Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau upang ipahinto at ipawalang-bisa ang iginawad na Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa itinatayong liquified natural gas (LNG) power plant sa Batangas.

Pinangunahan ito ng Protect the Verde Island Passage (Protect VIP) at ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED) para manawagang isantabi ang ECC para sa LNG import terminal facility ng AG&P-Linseed at ang itinatayong 1.75 gigawatts LNG power plant ng San Miguel Corporation-Excellent Energy Resources Inc. (SMC-EERI) sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Protect VIP Convenor Fr. Edwin Gariguez, lubhang nakababahala ang paglabag ng SMC-EERI at AG&P Linseed sa mga batas at panuntunang nangangalaga sa kalikasan lalo na sa Verde Island Passage.

Inihayag ni Fr. Gariguez na kapag nagpatuloy at nagsimula na ang operasyon ng proyekto ay asahan na ang idudulot nitong kahirapan sa mamamayan at pinsala sa mga pinakaiingatang-yaman ng bansa.

“SMC-EERI and AG&P-Linseed are the primary example of His Holiness Pope Francis’ warning about profits at the expense of the environment. This project will enrich their investors, who are based far away but drive our fisher folk and those who work in the tourism industry to poverty,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Nakasaad sa isinampang reklamo ang kakulangan ng dalawang kumpanya sa pagkuha ng tree-cutting permit mula sa Philippine Coconut Authority at DENR, gayundin ang kakulangan sa pagkuha ng land conversion order mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Noong August 8, 2022, naglabas ng cease-and-desist order ang DAR laban sa SMC-EERI at AG&P-Linseed dahil sa mga paglabag.

Samantala, nanindigan naman si CEED executive director at Protect VIP co-convenor Gerry Arances na hindi kailangan ng bansa ang maruming enerhiya na nagdudulot ng paghihirap at panganib sa mamamayan lalo na sa kalikasan.

Hiling ni Arances na nawa’y agad na kumilos ang DENR at pagtuunan ang mga panawagan upang mapangalagaan ang VIP mula sa tuluyang pagkapinsala.

“We don’t need gas for electricity. It will only drive-up the cost of bills for Filipinos, poison the environment, and threaten the beauty of the VIP and the food and livelihood of many who depend on it. There is no reason that will justify the means or ends of these two companies,” giit ni Arances.

Matagal nang tinututulan ng mga makakalikasan at consumer groups ang paglipat ng pamahalaan sa LNG, sapagkat ang paggamit sa fossil fuel ay patuloy na nagpapalala sa epekto ng climate emergency, gayundin sa mataas na singil sa presyo ng kuryente.

Ang VIP ang tinaguriang “most bio-diverse marine habitat” sa buong mundo dahil dito nagmumula ang nasa halos 60-porsyento ng shore fish species sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 29,532 total reads

 29,532 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 109,567 total reads

 109,567 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 203,793 total reads

 203,793 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 264,282 total reads

 264,282 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 276,706 total reads

 276,706 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,000 total reads

 71,000 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top