Pang-iinsulto ni Senador Villar sa mga magsasaka at mangingisda, pinuna ng AGHAM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,490 total reads

Ikinadismaya ng AGHAM-Advocates of Science and Technology for the People ang pahayag ni Senator Cynthia Villar na walang sapat na kaalaman ang mga magsasaka at mangingisda sa climate change.

Si Villar ang kasalukuyang pinuno ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, at Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

Sinabi ni Jerwin Baure, public information officer at resident marine scientist ng AGHAM na ang pahayag ni Villar ay insulto para sa mga magsasaka at mangingisdang nagsisikap na maghanapbuhay sa kabila ng kakulangan sa pagpapahalaga ng pamahalaan.

Tiniyak ni Baure na mayroong sariling kasanayan ang mga ito na kayang matukoy ang lagay ng panahon at maunawaan ang epekto ng nangyayaring pagbabago ng klima.

“Fisherfolk and farmers have their own traditional ecological knowledge, which they use in their day-to-day lives. Despite not knowing the exact technical terms, these fisherfolk and farmers still understand climate change,” pahayag ni Baure sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Baure na ramdam ng mga magsasaka ang epekto ng pagbabago ng klima lalo na kapag mayroong malalakas na bagyo maging ang tagtuyot, na humahantong sa malaking pagkalugi sa agrikultura.

Gayundin ang epekto nito sa mga mangingisda kung saan lantad naman sa storm surge, pagtaas ng antas ng dagat, at pag-init ng karagatan.

Sa kabila ng pagbabago ng klima, nilinaw ni Baure na nakakahanap pa rin ang mga magsasaka at mangingisda ng pamamaraan upang makaangkop sa mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran.

Iginiit ni Baure na sa karanasan ng mga magsasaka at mangingisda ay dapat higit itong bigyang-pansin ng pamahalaan sa halip na isantabi at patuloy na isisi ang suliranin sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“It is the government’s duty to help them adapt as the climate conditions continue to worsen. It will go a long way if the government will start pooling our resources in helping our countrymen instead of using their platform in blaming the marginalized sectors of our society,” giit ni Baure.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,448 total reads

 3,448 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 26,837 total reads

 26,837 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 67,397 total reads

 67,397 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 94,032 total reads

 94,032 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 142,299 total reads

 142,299 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 163,183 total reads

 163,183 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,030 total reads

 129,030 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top