Online workshop on EOF, isasagawa ng Living Laudato Si Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,049 total views

Layunin ng Living Laudato Si Philippines na maisabuhay ang paggamit ng ‘Economy of Francesco’ (EOF) movement sa bansa.

Ito ang mensahe ni Rodne Galicha – Executive Director ng LLSP isang linggo bago idaos ang online workshop na may titulong ‘๐‹๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐•๐จ๐ข๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐š๐ง๐ ๐ž: ๐„๐œ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ๐œ๐จ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐˜๐จ๐ฎ๐ง๐  ๐„๐œ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ’.

Ayon kay Galicha, sa tulong ng EOF Movement ay dagliang nasisimulan sa buong mundo ang pagpapanibago sa ibat-ibang sistema sa ekonomiya na makadiyos, makatao at makakalikasan.

Sa tulong ng Online Workshop ay inaasahan ng Living Laudato Si na simulan ng tatlumpung kalahok ang mga adbokasiya ng EOF na tutulungang lumago ang ekonomiya kasama ang mga mahihirap ng hindi sinisira ang kalikasan.

“Ating papalalimin ang isang buong pagtingin sa kabutihang dulot ng isang ekonomiyang tinataguyod ang likas-kayang buhay at kabuhayang nakabubuti sa mamamayan lalung-lalo na sa mga dukha at mahihina habang pinayayabong ang pangangalaga ng kasaganaan at balanse ng kalikasan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Galicha.

Tampok na tagapagsalita sa gaganaping online workshop sa October 29 sina Rodne Galicha, Viory Janeo – Faculty ng University of Asia and the Pacific at isa sa mga Filipino Delegates ng isinagawang EOF World Meeting noong Setyembre at si John Leo Algo na miyembro ng Youth Empowerment in Climate Action Platform.

“Ang pang-unawa sa kita ay hindi lamang pera kundi ang kabutihan para sa tao at kalikasang pinanunumbalik ang pagkilala at pagmamahal sa Maylikha, tulad ng sabi ng Panginoon kay San Francisco ng Assisi: โ€œAyusin mo ang aking simbahanโ€, ito ay hindi lamang ang sambahan kundi ang sangnilikhang magkakaugnay,” ayon pa kay Galicha.

Unang kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga kabataang lumahok sa world meeting ng EOF.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBERโ€™S GAME

 61,507 total views

 61,507 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na โ€œtele-novelaโ€ sa Senado ay hindi pa taposโ€ฆilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More ยป

BREAKDOWN OF MORALITY

 67,636 total views

 67,636 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na โ€œGod created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More ยป

Konkretong paraiso?

 97,387 total views

 97,387 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng โ€developmentโ€,

Read More ยป

SenateFlix

 115,881 total views

 115,881 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na!ย 

Read More ยป

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 5,808 total views

 5,808 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More ยป
Scroll to Top