Communion of Saints, isinasabuhay sa pananalangin sa mga yumao at santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,244 total reads

Ang paggunita ng Undas ay upang alalahanin at ipagdasal ang mga yumaong mahal sa buhay at mga santo ng Simbahan.

Ito ang paalala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita sa All Saints at All Souls Day sa November 1 at 2.

Ayon sa Obispo, mahalagang maunawaan ng lahat na ang pagbisita sa puntod ng mga yumao ay patuloy na pakikipag-isa sa mga namayapang mahal sa buhay, kaibigan at kakilala.

“Tandaan po natin na itong paggunita natin ng Undas is a way of remembering also our death brothers and sisters na nauna sa atin mga kaibigan, mga kapamilya natin, so going there sa kanilang mga puntod ito po ay pagpapakita ng ating pakikipag-isa.”paalala ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na ang pakikipag-isa sa mga namayapa at mga santo sa pag-aalay ng panalangin ay pagsasabuhay sa tinatawag na communion of saints o pananatili ng ugnayan sa bawat isa.

“Yung tinatawag nating communion of saints, nakikiisa tayo although nandito pa tayo sa mundong ito but as we pray for them were actually invoke itong communion natin pakikipag-isa sa kanila, kung tayo rin po ay lumisan sa mundong ito we know that somebody will pray for us.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Binigyang diin ng Obispo na bukod sa patuloy na pakikipag-isa sa mga yumao at mga santo ay paalala din ang Undas sa panawagan ng Simbahan sa bawat isa na maging banal.

Sinabi ni Bishop Florencio na ang mga santo na nasa piling na ng Panginoon ay nagsisilbing tagapamagitan ng bawat isa sa Diyos.

“Itong Undas na ito mayroon din tayong isang araw diyan to pray for all the saints yung mga banal, ibig sabihin ito ay isang paunawa, isang reminder ng Simbahan na ang tawag po sa ating lahat ay maging banal.” Pahayag ni Bishop Florencio.

Kabilang sa mahigit 10-libong santo ng Simbahan ay ang dalawang Pilipinong Santo na sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod na buong kababaang loob na sumunod sa Panginoon at inialay ang kanilang buhay para sa pananampalataya sa Diyos.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na isasabuhay ng mamamayan ang layunin ng Undas na paggunita sa mga namayapa at mga santo sa pag-aalay ng panalangin at pagbisita sa kanilang himlayan para sa ikapayapa ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 217,597 total reads

 217,597 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,270 total reads

 252,270 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,170 total reads

 268,170 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 304,660 total reads

 304,660 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,359 total reads

 310,359 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,589 total reads

 47,589 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top