Religious persecution, gawing inspirasyon sa gawaing banal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Hinikayat ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang lahat ng mananampalataya na gamiting oportunidad ang pag-uusig, paghihirap at pangangailangan ng kapwa para magkaroon ng gawain banal.

Sa pagdiriwang ng banal na misa sa Manila Cathedral bilang bahagi ng paglulunsad ng Aid to The Church in Need sa Pilipinas, sinabi ni Archbishop Villegas na ang pangangailangan ng mga inuusig at biktima ng karahasan dahil sa pananamplataya ay isang oportunidad para naman sa mga nais gumawa ng makabuluhan at banal na bagay.

Inihayag ni Archbishop Villegas na ang pagpapakabanal ay hindi lamang tanging nakakamit sa pagdarasal bagkus, ito ay dapat nilalakipan ng pagnanais na tumulong at magbahagi ng pagmamahal sa kapwa na mayroong pangangailangan at nakakaranas ng paghihirap.

Aniya, kapag tumutulong tayo sa atin kapwa ito ay nagsisilbing biyaya at ang pag-uusig sa mga Kristiyano ay isang daan para makatulong sa ating kapwa.

“When we Help our Brothers and sisters who are in need it becomes a blessing… The Church that [is in] persecution is just a channel for blessings,”pahayag ni Archbishop Villegas.

Ang pagdiriwang ng banal na Misa ay bahagi ng paglulunsad sa bansa ng Aid to the Church in Need, isang pontifical foundation na nais tulungan ang mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya o pananalig.

Sa kasalukyan ay mayroong programa ang nasabing organisasyon sa may 140 bansa sa mundo.

Batay sa datos ng ACN, tinatayang aabot sa 200 milyon indibidwal sa may 40 bansa ang nakararanas ng pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Dito sa Pilipinas, inamin ni CBCP-Episcopal Commission on Inter-Religious Dialogue chairman Jolo Bishop Angelito Lampon na mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pag-uunawaan para sa matagumpay na dayalogo sa pagitan ng iba’t-ibang pananampalataya.

Ayon kay Bishop Lampon, kailangan ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga miyembro at tagapamuno ng mga relihiyon sa bansa upang maiwasan ang kaguluhan at pag-uusig sa pananamplataya ng bawat isa.

Aabot sa 80 porsyento ng populasyon sa bansa ay binunuo ng mga katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 78,485 total reads

 78,485 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 180,593 total reads

 180,593 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 217,381 total reads

 217,381 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 247,956 total reads

 247,956 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,122 total reads

 293,122 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 98,208 total reads

 98,208 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top