Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 103,649 total reads

Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng.

katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa lalawigan ng Maguindanao at Cotabato.

Ayon kay Rev. Fr. Clifford Baira, Social Action Director ng Archdiocese of Cotabato, malaking tulong ang ipinadala ng Caritas Manila at Coca cola Foundation para maibsan ang kagyat na pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Hindi naging balakid sa grupo ni Fr., Baira ang mahirap na daan at layo ng mga baryo kung saan naghatid sila ng nasa 500 food bags sa bayan ng North at South Upi ganun na din sa Datu Piang, Maguindanao.

“Nasa biyahe po kami ngayon kahapon nasa North Upi Maguindanao kami papasok naman kami sa South Upi. We gave almost 200 bags [kahapon] then 300 bags for today in other areas. South Upi and Datu Piang” bahagi ng mensahe ni Fr. Baira habang tumutungo sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Mindanao.

Matatandaang una na din nagpadala ng tulong ang Caritas Manila para sa mga lalawigan ng Capiz, Antique at Aklan na labis din ang mga pagbaha dahil sa bagyong Paeng
.
Tinatayang umabot sa mahigit P1.7 Milyong piso na ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa may anim na Diyosesis o pitong lalawigan na pinaka-naapektuhan ng bagyong Paeng.

Dahil dito magsasagawa ng Special Telethon ang Caritas Manila katuwang ang Radyo Veritas sa araw ng lunes, ika-7 ng Nobyembre upang palakasin pa ang kagustuhan nito na makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Gaganapin ang Telethon mula alas siyete ng umaga hanggang alas dos ng hapon sa himpapawid ng Radio Veritas 846 khz habang ipagpapatuloy naman ito online sa Facebook page na DZRV 846 at Caritas Manila Inc. mula alas dos ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Pangungunahan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang isasagawang Telethon kung saan mapapakingan at mapapapanood din ang mga kinatawan ng iba’t-ibang Diyosesis ng naapektuhan ng bagyo.

ang lahat ng makakalap na donasyon sa nasabing Telethon ay ibubuhos para sa mas malawak na pagtugon ng Caritas Manila sa relief and recovery programs sa mga apektadong lalawigan.

Para sa nais magbahagi ng tulong, maaring tumawag sa Caritas Manila hotline number 8562 4269 o sa mobile number na 0905 428 5001 at 0967 276 4806.

https://www.facebook.com/roger.rivera.1985/posts/pfbid0dcdna45dnumVmR4xi92ATEuJNWuaza7yGNdcRak2a2w5A9bNZ5YfrVkAm1XbuEwUl

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,566 total reads

 76,566 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,339 total reads

 111,339 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,639 total reads

 146,639 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,908 total reads

 372,908 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,160 total reads

 262,160 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,508 total reads

 111,508 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top