“We have to speak loudly and in a united way on EJK”- Bp. Bacani to fellow bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total reads

Nanawagan na ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga kapwa obispo nito na sama-sama na silang magsalita sa usapin ng operasyon ng pamahalaan laban sa iligal na droga kung saan libo-libo na ang napapaslang.

Ayon kay Novaliches bishop emeritus Teodoro Bacani Jr., ito ay upang lumakas ang tinig ng Simbahan at para mahikayat na rin ang mamamayan na magsalita na rin lalo na at takot ang namamayani sa kasalukuyan.

Pahayag pa ng obispo, sa kanyang mga kakilala, matagal na niyang sinasabi na magkaisa para sa iisang tinig na mariing tumututol sa lumalaking bilang ng mga biktima ng extrajudicial killings may kinalaman sa Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte.

“Pakiusap ko sa ating mga obispo, magsalita ng sabay-sabay, sama-sama collectively hinihintay ko yan, pinu-push ko yan sa mga kakilala ko na magsalita, kasi sasabihin ng mga tao di naman nagsasalita ng sama sama ang mga obispo, kinakailangan we have to speak loudly and in a united way laban dito.” Mariing pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang diin ni Bishop Bacani na sang-ayon sila sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga dahil ito ay salot sa lipunan.

Subalit mariing tinututulan nito ang mga nagaganap na pagpatay dahil ito ay hindiu lamang pisikal na masama kundi ito ay immoral na hindi kailanman sinasang-ayunan ng Panginoon.

“Sang-ayon tayo sa paglaban sa iligal na droga na talagang malaking salot, pero dapat ito ay ayon sa kalooban ng Diyos, kahit gaano kaganda ang layunin mo hindi ka puwede gumamit ng paraan na masama na immoral hindi lamang pisikal na masama kundi immoral, alam naman natin di naman nanlalaban, di naman naglalagay sa panganib sa buhay mo tapos papatayin mo yun tao.” Sinabi pa ni Bishop Bacani.

Sa huling ulat ng Philippine National Police, umaabot na sa mahigit 4, 000 ang napaslang may kaugnayan sa kampanya kontra droga habang nasa mahigit 700,000 ang sumukong drug users at pushers simula ng maluklok sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte. Una na ng iginiit ng Simbahang Katolika na nararapat pa ring pairalin ng mga otoridad ang “due process” at igalang ang karapatang pantao maging ng mga hinihinalang kriminal.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,309 total reads

 2,309 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,199 total reads

 8,199 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,907 total reads

 45,907 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,177 total reads

 272,177 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,643 total reads

 165,643 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,277 total reads

 259,277 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 290,232 total reads

 290,232 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 403,800 total reads

 403,800 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top