Deportation ng mga OFW sa Amerika, ipinagkibit-balikat ng DFA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 380 total reads

Ipinagkibit balikat lamang ng D-F-A o Department of Foreign Affairs ang balakin ni US president elect Donald Trump na ipa-deport ang 3-milyong immigrants sa Estados Unidos ngayong taon.

Ayon kay DFA Assistant Sec. Charles Jose, napanatili ng tinatayang mahigit sa 3- milyong Overseas Filipino Workers sa Amerika ang kanilang mabuting imahe sa pagsunod sa batas at tapat na pagbabayad ng buwis.

Pinasinungalingan naman ni Jose ang inilabas na datos ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mahigit 200-libo ang mga irregular na Pinoy o TNT “tago ng tago” sa Amerika.

Nilinaw ni Jose na iilan lamang ang mga Pilipino sa Amerika na may kaso ng paglabag sa immigration ngunit nangingibabaw pa rin ang mabuting imahe ng mga Filipino community sa US.

“ Karamihan sa more than 3 million na Filipinos sa United States ay regular ang kanilang status, masunurin sila sa mga batas, nagbabayd sila ng tamang buwis…Occasionally, may nabibilang dito na mga Pilipino pero ito yung may mga offenses either immigration offenses pero karamihan sa ating mga Pilipino sa US ay maayos ang kanilang status kaya para sa amin hindi masyadong magiging malaki ang epekto ng pronouncement ni President elect Trump sa Filipino community sa United States,” giit pa ni Jose sa Radyo Veritas.

Pinayuhan naman nito ang ilang mga Filipino sa US na nagtatago pa rin na kumuha na ng “green card” upang maging legal ang kanilang panunuluyan roon at sumunod lamang sa mga panuntunan ng US government.

“Dapat ma – regularize ang kanilang status dun from TNT makakuha sila ng “green card” para maging legal ang kanilang stay dun. Secondly, patuloy nilang i – maintain ang kanilang good standing maging masunurin sila sa batas ng US at huwag silang magko – commit ng any offense,” payo pa ni Jose sa mga OFWs doon.

Nabatid na tinatayang nasa 11 milyon ang mga illegal immigrants sa Amerika mula sa Asya kung saan 300-libo sa mga ito ay mga Pilipino.

Samantala, nauna na ring pinag – iingat ni CBCP – Episcopal Commission Migrants and Itinerant People chair at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga OFWs na maging tapat sa batas ng US upang maiwasan ang anumang kapahamakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 74,075 total reads

 74,075 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 176,773 total reads

 176,773 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 213,561 total reads

 213,561 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 244,136 total reads

 244,136 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 289,444 total reads

 289,444 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 191,735 total reads

 191,735 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 341,411 total reads

 341,411 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top