Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, bigong tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap-Ibon Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,195 total views

Napapanahon nang tutukan ng pamahalaan ang bagsak na ekonomiya ng Pilipinas na nagpapahirap sa pamumuhay ng mga manggagawa.

Ayon kay Sonny Africa – Executive Director ng Ibon Foundation, libu-libong pamilya na ang naghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na pinalala ng mababang minimum wage.

“Mas dumarami ang mga Pilipino, daan-daang libong pamilya ang masasabi na lalong maghihirap ngayon dahil nabawasan sila ng kita, ikalawang indikasyon yung pagbaba ng bilang ng may trabaho at pagbaba nung kalidad ng trabaho lalong hihina ang ekonomiya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Africa.

Iginiit ni Africa na mahalagang matukoy ng pamahalaan na ang pagbaba ng unemployment rate ay hindi hudyat ng pagbuti ng ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Africa na kabila ng pagbaba sa 2.50-million ng unemployment rate ay bumaba sa 47.6-milyon ang mga manggagawang mayroong trabaho.
Ibinahagi din ni Africa na tumaas ang bilang ng mga manggagawang ‘Part-time workers’ ng 310-libo na sinabayan ng 7.7%-inflation rate noong October 2022.

Iminungkahi naman ni Africa ang patuloy na pagbibigay ayuda ng pamahalaan upang mapalakas ang purchasing power at makabili ng pangunahing pangangailangan ang nakakarami.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation noong nakaraang buwan ng Setyembre 2022 ay 1,133-pesos kada araw ang family living wage ng pamilyang mayroong 5-miyembro.

“Nakakalungkot yun kasi ito yung dapat pinagbabatayan ng gobyerno sa pagtakda ng minimum wage ng sa bansa yung paghahabol doon sa kinakailangan ng isang pamilya ng manggagawa o ordinaryong Pilipino para mamuhay ng disente,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Africa.

Patuloy naman ang pakikiisa ng Church-people Workers Solidarity (CWS) na pinamumunuan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza upang makamit ng mga manggagawa ang panlipunang katarungan hinggil sa pagkakamit ng sapat na suweldo at benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 39,368 total views

 39,368 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 55,976 total views

 55,976 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 65,341 total views

 65,341 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 141,177 total views

 141,177 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

META, maghihigpit sa mga kabataan online

 5,204 total views

 5,204 total views Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines Ang digital literacy

Read More »
Scroll to Top