Simbahan, tiniyak ang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,914 total reads

Inaanyayahan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mamamayan na paigtingin ang pagtulong sa mahihirap sa lipunan.

Kasunod ito ng matagumpay na paggunita ng Commission on Social Service and Development (CSSD) ng World Day of the Poor sa Saint Vincent De Paul Parish Paco Manila kung saan umabot sa 500-mahihirap na indibidwal at street dwellers ang nabigyan ng tulong.

Ayon kay Father Eric Adoviso – Commissioner ng CSSD – mahalagang maisabuhay ang pagtulong sa mga nangangailangan sa anumang pagkakataon hindi lamang sa loob ng isang araw.

“Yung mensahe natin katulad ng sinabi ni Pope Francis ang World Day of the Poor ay hindi lang isang araw na pagdiriwang kung hindi ito ay pamumuhay, ito ay isang uri ng pamumuhay ng simbahan na kung saan siya’y nakikiisa, lumalahok sa buhay ng mga mahihirap. Ang misyon naman ng sibmahan ay total human development hindi lang naman espiritwal kungdi pangkabuoang misyon ito ng simbahan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Adoviso.

Iginiit naman ni Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at Radio Veritas President ang kahalagahan ng pagkakaisa ng simbahan, ahensya at grupo upang mapaigting ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap.

“Mahalaga yung sila’y makapag-hanapbuhay, sila’y makabalik sa probinsya kung kailangan o makapag negosyo at mahanap natin ng mapagkakakitaan dito sa Maynila, at ang mga bata dapat nag-aaral at hindi humihinto para patuloy ang kinabukasan na makalaya sa kahirapan kaya ipagdasal po natin sila,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Labis naman ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo na sila Angel Dioction at Rogelio Taniegra sa CSSD, Caritas Manila at iba pang ahensya na katuwang upang maisakatuparan ang programa.

Ang mga mahihirap ay pinagsilbihan ng simbahan sa paghahandog ng libreng pakain, pagligo, at pagpapagupit sa mga mahihirap at mga food packs at Hygiene kits na mula sa Caritas Manila.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,512 total reads

 6,512 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,748 total reads

 19,748 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,309 total reads

 60,309 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,311 total reads

 87,311 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,576 total reads

 135,576 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,770 total reads

 156,770 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 23,348 total reads

 23,348 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top