Modern technology, gagamitin ng Mindanao Bishops sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,292 total reads

Tiniyak ng Mindanao Bishops ang pagpapaigting sa misyon upang higit na lumago ang pananampalataya.

Ito ang buod ng 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference na ginanap sa Cagayan de Oro nitong November 7 at 11.

Sa pinagsamang pahayag ng MSPC alinsunod sa temang ‘The Gift of Faith and New Evangelization as a Synodal Church’ palalawakin nito ang misyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng teknolohiya.

“We continually commit ourselves, through the witness of our lives and the use of new and creative tools of evangelization (radio, television, print, and social media) to venture into new missionary frontiers (politics, culture, education, recreation, economics, etc.), to nurture and propagate the gift of faith with the same intensity and sense of purpose in the family especially those in difficult situations.” bahagi ng pahayag ng MSPC.

Bukod dito paiigtingin din ang Basic Ecclesial Communities at iba pang grupo na makatutulong mapaunlad ang simbahan batay sa tuntuning ‘communion, participation and mission’ at maging katuwang ng simbahan sa pangangalaga sa kawan ng Panginoon.

Pakikinggan din ng mga lider ng simbahan ang nasasakupang pamayanan lalo na ang mga naisasantabing sektor at walang boses sa lipunan kabilang na ang mga kabataan na tinaguriang tagapagsulong ng diyalogo, ‘peer evangelizers’ ng pananampalataya at ‘catalyst of change’.

“We continually commit ourselves to open the ears of our hearts to the voices that are often ignored, especially the poor and the marginalized, other sectors of society (LGBTQ+, PWD, OFW, etc.), the silent and even the discordant voices, so that our journey of faith will truly be inclusive and synodal.” giit ng grupo.

Isusulong din ng Mindanao Bishops ang pagpapatibay sa ecumenism at interreligious dialogue sa iba’t ibang pananampalataya.

Napagkasunduan din ng kapulungan ang pagtatatag ng Integral Ecology Ministry na tututok sa mga programang mangangalaga sa kalikasan at ang Ministry of Research and Studies na mangangasiwa sa mga datos hinggil sa gawaing ebanghelisasyon at misyon ng simbahan.

Dumalo sa ika – 17 pagtitipon ng MSPC ang 275 delegado mula sa 21 diyosesis sa Mindanao region habang nakiisa rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 86,898 total reads

 86,898 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 118,628 total reads

 118,628 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 220,453 total reads

 220,453 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 261,013 total reads

 261,013 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 277,836 total reads

 277,836 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top