Patuloy na pang-aabuso at paglabag sa karapatan ng mga Lumad, pinuna ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,609 total reads

Umapela ang Diyosesis ng Malaybalay, Bukidnon sa mga nangyayaring pang-aabuso at paglabag sa karapatan ng mga lumad sa kanilang mga lupaing ninuno.

Sa liham pastoral na nilagdaan nina Malaybalay Bishop Noel Pedregosa at Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, inihayag dito ang panawagan sa mga opisyal ng lalawigan at mga ahensya ng pamahalaan na pagtuunan ang kalagayan ng mga pamayanan ng mga lumad.

Nakasaad sa liham ang patuloy na paglabag sa karapatan ng mga lumad na sapilitang pinapaalis sa kanilang mga lupaing ninuno at nakakaranas ng mga pagbabanta sa kanilang mga buhay.

“The full narrative about their struggles has been veiled with disinformation and aggravated with twisted facts leading to the incarceration of their tribal leaders. Threats have also been made to the families that have been dislocated. The community is now at a loss over the disruption of their livelihood and out of fear for their lives,” bahagi ng liham.

Ginawa ng diyosesis ang pahayag kaugnay sa mga naganap na usapin hinggil sa karapatan sa lupaing ninuno na higit na nakaapekto at nagpaalis sa daan-daang pamilya mula sa pamayanan ng mga lumad sa Bukidnon.

Sa Pilipinas, naiulat na mula taong 2016 ay umabot na sa 98 ang kabuuang bilang ng mga naging biktima ng extrajudicial killings (EJK); 160 ang biktima ng frustrated EJK; 227 mga katutubo ang ilegal na inaresto, kinulong, at dinukot; at 27 naman ang naiulat na nakaranas ng labis na pagpapahirap.

“This dire situation should not be allowed to continue in our province of Bukidnon, the homeland of numerous indigenous people communities,” ayon sa pahayag.

Naunang hinikayat ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang mamamayan na pagtuunan at pangalagaan ang mga katutubong komunidad laban sa pang-uusig at pang-aabuso mula sa malalaking kumpanya na nais gamitin ang mga lupaing ninuno para sa hangarin ng pag-unlad.

 

Courtesy of Fr. Reynaldo Raluto

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,836 total reads

 85,836 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 117,566 total reads

 117,566 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 219,391 total reads

 219,391 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,951 total reads

 259,951 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,823 total reads

 276,823 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 137,820 total reads

 137,820 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top