Obispo ng Diocese of Kalookan, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,045 total reads

Umapela si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa mamamayan na tulungan ang mga biktima ng sunog sa Navotas City.

Sa Facebook post ng Obispo, batid nito ang labis na kahirapang naranasan ng mga biktima ng sunog sa San Ildefonso Parish sa ilalim ng Diocese of Kalookan.
Ayon kay Bishop David, bilang kristiyano ay maramdaman ng bawat isa ang paghihirap ng kapwa sapagkat tayo ay nasa iisang katawan ni Kristo.

“Let us please generously extend to them any form of assistance in their hour of need. If we belong to the one Body of Christ, then the pain of one part will be felt by the rest of the body.” ayon sa pahayag ni Bishop David.

Binigyang diin din ng punong pastol ng diyosesis na magandang pagkakataong ding ipakita ang tunay na diwa ng pagiging lingkod ng Panginoon sa pagtulong sa nangangailangan lalo’t nalalapit na ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari sa November 20.

Tinukoy ng obispo ang nasusulat sa ebanghelyo ni San Mateo na ang paglingap sa pangangailangan ng kapwa ay paglilingkod din sa Diyos.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection National Capital Region nagsimula ang sunog alas tres ng hapon na umabot sa ikalimang alarma.

Nasa 300 mga bahay mula sa dalawang barangay ng Navotas City ang natupok kung saan mahigit sa 500 pamilya ang nawalan ng tahanan habang lima ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa insidente.

Kasalukuyang kinanlong ng San Ildefonso Parish ang ilan sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kumilos na rin ang Caritas Kalookan at Social Action Center ng diyosesis sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga biktima lalo na ang pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,013 total reads

 85,013 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 116,743 total reads

 116,743 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 218,568 total reads

 218,568 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,128 total reads

 259,128 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,045 total reads

 276,045 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top