Pangulong Marcos, hinamong itigil na ang karahasan at paniniil sa mga labor union

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,781 total reads

Itigil na ang karahasan at paniniil sa mga Labor Unions sa bansa.

Ito ang panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni Lito Ustarez, Vice Chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa paggunita ng Global Day of Action Against Trade Union Repression ngayong araw.

Ayon kay Ustarez, patuloy na nararanasan ng mga labor leaders at trade union members ang paniniil mula sa pamahalaan at mga mapagmalabis na malalaking kompanya.

“Apektado ang trabaho, seguridad, at pamilya ng mga biktima, problemado na nga kaming manggagawa kung paano pagkakasyahin ang kakarampot naming sahod, tapos dadagdag pa sa pangamba namin itong iba’t ibang porma ng paglabag sa aming karapatan,” ayon sa pahayag ni Ustarez.

Kinukundena din ni Ustarez ang pagpapatuloy ng red-tagging para sa mga labor groups at iba pang progresibong grupo na nananawagan lamang ng katarungang panlipunan para sa manggagawa at mahihirap.

Sinabi ng labor leader na nagpapatuloy pa rin ang pagpaslang sa mga lider ng union at maging sa mga aktibistang mula pa sa ibat-ibang mga grupo sa mga nagdaang taon.

Ayon sa 2021 Global Rights Index ng International Trade Union Confederation (ITUC), muling nanguna ang Pilipinas sa 148-bansa bilang ‘countries with the worst violation of workers’.

Ito ay dahil na rin simula pa noong 2016 ay umaabot na sa 50-trade unionist ang napaslang buhat ng magsimula ang pamumuno ng administrasyong Duterte.

Una ng nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang tutulungan ang mga manggagawa at mga pamilyang kanilang sinusuportahan na mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,841 total reads

 85,841 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 117,571 total reads

 117,571 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 219,396 total reads

 219,396 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,956 total reads

 259,956 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,827 total reads

 276,827 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 2,001 total reads

 2,001 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top