Itigil na ang pamumuhunan sa maduming enerhiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,004 total reads

Nanawagan ang mga environmental, labor, at human rights group sa mga pamahalaan ng mayayamang bansa na pagtuunan ang mga krisis na nakakaapekto sa kalikasan at ekonomiya ng buong mundo.

Kaugnay ito sa ginanap na Peoples’ Climate Strike na pinamagatang Asian Day of Action for Climate and Economic Justice sa Liwasang Aurora sa Quezon City Memorial Circle nitong Nobyemre 16, 2022.

Ayon kay No Burn Pilipinas senior program officer Glenn Ymata, masyado nang umiikli ang panahon lalo na ng mga mayayamang bansa sa paglikha ng mga desisyong naaangkop upang mapigilan ang lumalalang krisis sa kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Ymata na ito’y dahil na rin sa patuloy na pagsuporta at pamumuhunan ng mga bansa sa maruming enerhiya at proyektong nakadaragdag sa pagbabago ng klima at kahirapan sa mamamayan.

“Sa sistema ng ating ekonomiya kung saan ang mas may pera ay siyang nagkakaroon ng oportunidad para yumaman at umunlad, samantalang ang mga mahihirap bukod sa sila na ang nakakaramdam ng higit na epekto ng krisis sa klima, sila pa ‘yung bumibitbit ng pasan sa matataas na buwis,” pahayag ni Ymata sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan naman ng opisyal sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtuunan ang pakikinig sa mga hinaing ng mahihirap na mamamayan at lumikha ng mga batas na magpapahalaga sa karapatan ng nakararami.

Iginiit din ni Ymata ang pagsasaayos sa sistema ng pagbubuwis upang matulungan ang mga mahihirap na maibsan ang mga pasanin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Peoples’ Climate Strike ay pinangunahan ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development, katuwang ang Philippine Movement for Climate Justice, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Laudato Si’ Movement Pilipinas, Conference of Major Superiors in the Philippines, at iba pang grupo at organisasyon.

Kasabay nito ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El Sheikh, Egypt at G20 Summit sa Bali, Indonesia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 89,267 total reads

 89,267 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 172,293 total reads

 172,293 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 266,626 total reads

 266,626 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 328,311 total reads

 328,311 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 369,876 total reads

 369,876 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 213,063 total reads

 213,063 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top