Pigilan ang pagkawasak ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,379 total views

Hinimok ni Ka Leody de Guzman ang mamamayan na sama-samang kumilos at manawagan para matugunan ang kinakaharap na climate at economic crisis ng Pilipinas at buong mundo.

Ayon kay de Guzman, chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, nararapat maging prayoridad ang krisis sa klima at pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang paghihirap ng mamamayan.

Ginawa ni de Guzman ang panawagan sa isinagawang Asian Day of Action for Climate and Economic Justice sa Quezon City Memorial Circle.

“Maganda talagang bitbitin ang issue na ito dahil mawawalan ng saysay ang anumang pinaglalaban natin sa kabuhayan, sa karapatan kung mismong ang ating nag-iisang mundo ay mawawasak. At naiintindihan ng marami na ang pagkawasak nito ay resulta ng pagiging ganid sa tubo, sa kita ng mga korporasyon hindi lang sa Pilipinas kun’di sa buong mundo,” paglilinaw ni de Guzman sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ni de Guzman ang pagmimina, pagtatayo ng mga coal-fired at natural gas power plant na mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng kalikasan at pag-init ng temperatura ng kapaligiran.

Sinabi ng opisyal na napapanahon nang gisingin ang kamalayan ng bawat isa lalo na ng pamahalaan upang ihinto na ang pagsuporta at pagtitiwala sa mga malalaking korporasyon, at sa halip ay pagtuunan ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

Kabilang na rito ang pagsusulong sa renewable energy na tiyak na ligtas, abot-kaya, at walang masamang epekto sa kalikasan.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng pamayanan upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan at mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 3,365 total views

 3,365 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 25,370 total views

 25,370 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 49,712 total views

 49,712 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,952 total views

 73,952 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 109,574 total views

 109,574 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top