Red Wednesday: Pagpapakita ng pagmamahal kay Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,544 total reads

Bilang pakikiisa sa gaganapin Red Wednesday sa November 23, inaanyayahan ang bawat mananampalataya na magsuot ng pulang damit na tanda ng pakikiisa sa lahat ng mga nakakaranas ng pang-uusig ng dahil sa pananampalataya.

Ito ang paanyaya ni Fr. Reynante Tolentino, Parish Administrator and Shrine Rector ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa muling paggunita ng simbahan sa Pilipinas sa Red Wednesday campaign na inisyatibo ng Aid-to-the Church In Need-ang pontifical foundation ng Vatican.

Giit ng pari ang paggunita at pakikiisa sa kampanya ay pagpapakita rin ng kahandaan ng bawat isa na mag-alay ng ng buhay para kay Hesus at sa simbahan.

Ang paggunita ng Red Wednesday ay isa ring pagpapakita ng kahandaan na mag-alay ng buhay para kay Hesus, gayundin ang pananalangin at pagkilala sa Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“At ipakita rin natin sa pamamagitan ng pulang damit mga kapatid sa November 23 na tayo ay handang mag-alay ng ating buhay para kay Hesus at para sa ating Simbahan na tulad ng mga Kristiyanong inuusig dahil sa Mabuting Balita.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Tolentino.

Paliwanag pa ni Fr. Tolentino na bilang mga Kristiyano ay dapat ding maging handa ang bawat isa na mag-alay ng sarili para sa pananampalataya sa Panginoon tulad ng mga martir sa kasaysayan ng Simbahan na dumanas at patuloy na dumaranas ng pag-uusig dahil sa pananampalataya.

“Alam natin sa kasaysayan ng ating Simbahan maraming inuusig at patuloy na inuusig dahil sa pananampalataya kaya nga taon taon mayroon tayong Red Wednesday upang sila ay ipagdasal, alalahanin at upang sama-sama tayo bilang mga Kristiyano, bilang mga Katoliko na maghanda rin ng ating sarili.” dagdag pa ni Fr. Tolentino.

Tema ng Red Wednesday Campaign ngayong taon ang “Blessed are the Persecuted” na layong higit na palakasin ang panawagan para sa pananalangin at pagbibigay pugay sa mga Kristiyanong inuusig.

Pangungunahan naman ni Antipolo Bishop Francisco De Leon ang misa para sa paggunita ng Red Wednesday ganap na ika-anim ng gabi sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o kilala rin bilang Antipolo Cathedral na susundan ng pagpapailaw ng kulay pula sa harap ng simbahan bilang pag-alala sa lahat ng mga Kristiyanong inuusig sa buong daigdig.

Ayon sa tala ng World Watch List noong nakalipas na taon, may 350-milyong kristiyano ang nakaranas ng pag-uusig, kabilang na ang 5,898 na pinaslang ng dahil sa pananampalataya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 10,262 total reads

 10,262 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 23,944 total reads

 23,944 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 64,579 total reads

 64,579 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 98,706 total reads

 98,706 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 155,112 total reads

 155,112 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 10,263 total reads

 10,263 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top