Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 978 total views

Kapanalig, narinig mo na ba ang mga katagang “circular economy?” Alam mo ba kung ano ito?

Ang circular economy ay isang economic system na dinisenyo upang magamit ng lubusan ang mga resources na ating kinukuha sa kalikasan at maiwasan pa ang pagsasayang at pag-aaksaya. Maraming Filipino ang hindi alam kung paano ba ang circular economy in action at kung gaano ito kahalaga sa mga bansang gaya ng sa atin.

Sa circular economy, kapanalig, ang paggawa ng mga produkto ay naka disenyo upang paulit ulit magagamit – wala silang end of life cycle. Ang mga produkto, maaaring ma-reuse, ma-upcycle, ma-recycle, o marecover ang mga sangkap para magamit muli sa ibang produkto.

Napakgandang konsepto ito dahil radikal itong kumokontra sa umiiral na “throwaway mentality” sa ating lipunan. Nabanggit ito ni Pope Francis sa Laudato Si. Ayon nga sa kanya, ang throwaway culture ay tinatrato ang lahat ng bagay bilang basura. Gamit lamang tayo ng gamit at kuha ng kuha lamang sa kalikasa na walang pasubali at pakialam sa kabutihan ng ating nag-iisang planeta.

Maraming benepisyo ang ating makukuha kung ating lamang maisasabuhay ang circular economy sa ating bansa. Unang una, mababawasan ang ating basura. Tinatayang umaabot sa 21 million  metric tons ang basurang nalilikha sa ating bansa kada taon, kapanalig. Halos kalahating kilo ang basura ng bawat Filipino sa ating bansa kada araw.

Bawas din ang air at water pollution sa ating bayan, kapanalig, sa circular economy. Sa ngayon, ang bansa natin ay isang sachet economy pa. Tinatayang gumagamit tayo ng 163 milyong piraso ng sachet kada araw – at halos lahat yan, pag nagamit na ang laman, tinatapon lamang natin. Tinatayang mga 20 porsyento nito ang napupunta sa ating mga katawang tubig. Ang iba naman, sinusunog, kaya’t ang hangin naman ang dinudumihan.

Sa ngayon, marami nang mga batas ang mai-uugnay sa circular economy sa ating bansa at meron nang Philippine Action Plan for Sustainable Consumption and Production. Ang ASEAN naman ay bumuo na ng Framework for a Circular Economy upang mabigyang gabay ang mga kasapi nito upang kanilang matiyak ang resiliency, resource efficiency, at sustainable and inclusive growth. Ang kailangan na lamang ay mapalawig ito at magkaroon ng aktibo at kongkretong aplikasyon sa ating bansa.

Dasal natin na sana nga’y ating mapraktis ang circular economy sa ating bayan. Ito ay isang malaking  ambag para matiyak na buhay at luntiang daigdig pa rin ang ating maiiwan sa mga susunod na henerasyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 82,288 total views

 82,288 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 82,288 total views

 82,288 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 82,288 total views

 82,288 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 79,848 total views

 79,848 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 72,921 total views

 72,921 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 82,289 total views

 82,289 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 82,289 total views

 82,289 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 82,289 total views

 82,289 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 79,849 total views

 79,849 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top