Mapagpakumbaba, tagubilin ni Cardinal Advincula sa mga bagong ordinang Diyakono

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,732 total reads

Maging mapagpakumbaba at manatili sa pag-ibig ni Kristo.

Ito ang tagubilin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga bagong ordinang diyakono ng Arkidiyosesis sa ginanap na banal na misa at Diaconal Ordination sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Ayon kay Cardinal Advincula, mahalaga ang pagiging mapagpakumbaba sa lahat ng pagkakataon lalo na sa paglilingkod kay Kristo.

Sinabi ng cardinal na kabilang sa mga dapat isaalang-alang ng mga bagong diyakono sa kanilang tungkulin ang pag-iwas sa pagiging makasarili sapagkat maaari itong makaapekto sa hakbang tungo sa pagiging ganap na pari ni Kristo.

“It is remaining in Jesus that our service and ministry become authentic. If our service is born out of our remaining in Jesus, then we will serve for the right reasons, with the right intentions and with the right attitude.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ito ang aral na nais ipabatid ng Panginoon sa Kanyang mga alagad upang higit na maunawaan ang kahulugan ng pag-ibig at tungkulin pagiging mabubuting tagasunod.

Ang mga inordinahang diyakono ay sina Rev. Kim Joshua Bibon, Rev. Adrian David, at Rev. Jesus Madrid, Jr. mula sa San Carlos Seminary, at Rev. Mark Francis Campit, at Rev. Christopher Crucero mula naman sa Lorenzo Ruiz Mission Society.

Umaasa ang cardinal na magagampanan nang wasto ng mga inordinahang diyakono ang kanilang panibagong tungkulin, na kalauna’y tatawaging ganap na pari ni Kristo at ng sambayanan.

“You are not only called to be efficient servants. You are called to be holy servants. Servants who serve with the heart of Jesus.” saad ni Cardinal Advincula.

Samantala, kasama sa mga dumalo sa ginanap Diaconal Ordination ang mga pari at layko ng Archdiocese of Manila, at mga pamilya ng mga bagong diyakono.

Ang pagiging diyakono ang huling hakbang ng paghuhubog na karaniwang tumatagal ng anim na buwan hanggang isang taon bago ang ordinasyon sa pagiging ganap na pari.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 10 total reads

 10 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,005 total reads

 24,005 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,813 total reads

 8,813 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,373 total reads

 49,373 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,874 total reads

 76,874 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,139 total reads

 125,139 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,881 total reads

 146,881 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,289 total reads

 128,289 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top