Huwag maging duwag, hamon sa bagong talagang kura paroko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,641 total reads

Pormal na itinalaga si Fr. Rufino “Jun” Sescon, Jr., bilang rektor at kura paroko ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Saint John the Baptist Parish sa Quiapo, Manila.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa at ritu ng pagtatalaga kay Fr. Sescon, kasama sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr., Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, at mga pari, layko, at mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Sa pagninilay ni Archbishop Villegas, pinaalalahanan nito si Fr. Sescon na ang misyong ipinagkaloob sa kanya ay malaking responsibilidad upang mapanatili at mapaigting ang pagpapalaganap ng pananampalataya lalo na ang debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

“Fr. Jun, be brave. Sa Quiapo bawal ang duwag. Huwag na huwag kang magiging duwag na manindigan para sa Diyos kahit ano ang mangyari. Kumapit sa krus, mabigat, masakit. Subalit ang bigat at sakit ng krus ay pagpapala para sa’yo at pagpapala para sa taumbayan,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Inihayag ng Arsobispo na mahalagang isa-alang-alang ni Fr. Sescon ang pagiging mapagpakumbaba at patuloy na tularan ang mga gawi ng Panginoon sa kabila ng mga nangyayaring pagbabago sa buhay-paglilingkod.

“Tumingala ka sa Nazareno. Be humble like Jesus. Be brave like Jesus. Be hopeful like Jesus. This is your mission and this is our prayer,” tagubilin ng Arsobispo.

Si Fr. Sescon ang dating chaplain ng Santo Niño de Paz Chapel sa Greenbelt, at Priest-in-charge ng Mary, Mother of Hope Chapel sa Landmark, Makati.

Ang bagong rektor ang humalili kay Msgr. Hernando Coronel na nagsilbi sa Quiapo Church simula taong 2015.

Samantala, isinagawa rin sa banal na pagdiriwang ang pormal na pagtanggap sa mga Parochial Vicars ng Quiapo Church na sina Fr. Robert Arellano, LRMS, Fr. Hans Magdurulang, at Fr. Jonathan Noel Mojica na makakatuwang ni Fr. Sescon sa paggabay sa mga mananampalataya at deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 967 total reads

 967 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,792 total reads

 22,792 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,353 total reads

 63,353 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,193 total reads

 90,193 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,458 total reads

 138,458 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,507 total reads

 159,507 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,859 total reads

 128,859 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top