‘Violence, kills the future’-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,052 total reads

Walang kabutihang maidudulot ang karahasan sa lipunan, bagkus ay ang lalong pagiging mailap ng kapayapaan.

Ito ang mensahe ng Santo Papa Francisco sa Angelus na ginanap sa St. Peter’s Square sa Vatican hinggil sa lumalalang gulo sa pagitan ng mga bansa tulad ng Palestine, Israel, Ukraine, at Russia.

Iginiit ni Pope Francis kawalang pag-asa at pagkawatak-watak nang pamayanan ang tuwinang bunga ng digmaan na higit na nakakaapekto sa kabataan.

“Violence kills the future, breaking the lives of the youngest and weakening the hopes for peace.” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Kinundena rin ng santo papa ang pang-atake sa Jerusalem noong nakalipas na linggo na ikinasawi ng batang Israeli habang marami ang nasugatan sa insidente.

Dalangin ng pinunong pastol ng simbahang katolika ang katatagan ng mga magulang at pamilya ng bawat nasasawi dulot ng karahasan sa bawat pamayanan.

Umaasa si Pope Francis na isulong ng bawat bansa ang daan ng pakikipag-usap tungo sa mapayapang paglutas ng hidwaan.

“I hope that the Israeli and Palestinian authorities will be more concerned with the search for dialogue, building mutual trust, without which there will never be a peace solution in the Holy Land.” giit ng santo papa.

Batay sa pag-aaral ng Watson Institute, Brown University na pinamagatang ‘Costs of War’ noong September 2021 halos 400, 000 sibilyan ang napaslang sa Iraq, Afghanistan, Yemen, Syria, at Pakistan matapos ang pang-atake sa Amerika noong September 11, 2001.
Apela ni Pope Francis sa mananampalataya na magbuklod sa pananalangin upang makamtam ng buong daigdig ang kapayapaang tinatamasa ng bawat isa at magtulungang isulong ang diyalogo sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, pananaw, at kulturang kinaaniban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 12,443 total reads

 12,443 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,778 total reads

 50,778 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 68,988 total reads

 68,988 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 153,316 total reads

 153,316 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 190,068 total reads

 190,068 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,645 total reads

 1,645 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top