Libreng Sakay, nais ipagpatuloy hanggang 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,983 total reads

Tiniyak ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang pagsusulong na maipagpatuloy ng pamahalaan ang Libreng Sakay Program hanggang sa susunod na taon.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang Libreng Sakay Program ng Department of Transportation (DOTr) ay malaki ang pakinabang sa mamamayan lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, gayundin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pamasahe.

Bukod sa Libreng Sakay Program, kabilang din sa probisyon ng panukalang national budget ang Pantawid Pasada Fuel Program na kinakailangang manatili lalo’t nakakatulong sa higit na nakakaraming mamamayan.

“Itong Pantawid Pasada at Libreng Sakay, diretsong ginhawa ito sa ating mga kababayan. Ayuda ito sa mga drayber at operators sa panahon ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. At ang libreng sakay naman ay malaking tulong sa ating commuter na nahihirapang pagkasyahin ang kita sa isang araw,” ayon kay Romualdez.

Nagsimula ang Libreng Sakay ng DOTr at Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) noong 2020 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act na ipinagtuloy hanggang 2022.

Sa bersyon ng Kamara sa 2023 national budget ang paglalaan ng 5.5 billion pesos para sa Pantawid Pasada Fuel Program, Libreng Sakay at pagpapagawa ng mga bike lane bilang bahagi 77-billion pesos institutional amendments o mga programa para sa publiko sa national budget.

Patuloy naman panawagan ng Simbahang Katolika sa pamahalaan ang paglikha ng mga trabaho, at polisiya na makakatulong sa mahihirap na Filipino sa epekto ng pandemya at krisis pang-ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 27,249 total reads

 27,249 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 78,426 total reads

 78,426 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 126,297 total reads

 126,297 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 230,245 total reads

 230,245 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 314,971 total reads

 314,971 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top