‘Magtiwala sa plano ng Panginoon.’—Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,240 total views

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tuwinang magtiwala sa mga plano ng Diyos.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Advincula sa banal na pagdiriwang para sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa sa Our Lady of Miraculous Medal Chapel sa National Center for Mental Health, Mandaluyong City.

Sa ebanghelyo na sinabi ni Maria sa mga apostol na magtiwala at sundin ang atas ng Panginoon.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na walang dapat pangambahan at pagdudahan sa mga plano ng Panginoon sapagkat hinangad lamang ng Diyos ang anong nararapat at makabubuti para sa lahat.

“Magtiwala sa plano ng Diyos, dahil lahat ng kanyang plano para sa atin ay may magandang kalalabasan. Kaya kung tingin natin ay hindi pa maganda ang bunga, hindi pa maganda ‘yung kinalalabasan, ibig sabihin lang noon, hindi pa tapos ang plano ng Diyos. Hindi pa iyon ang final product,” pagninilay ni Cardinal Advincula.

Dalangin naman ng arsobispo na tulad ng mga apostol, ang mga mananampalataya nawa’y marinig din ang tinig ng Mahal na Birhen na nanghihikayat na ibigay ang buong tiwala sa Panginoong-Diyos.

Sapagkat sa anumang mga pagsubok sa buhay, ang pananalangin at pagtitiwala sa Diyos ang mabuting sandata upang makamtan ang liwanag at pag-asang inaasam.

“Sa pagbibigay ng ating tiwala, makita din natin nang may pag-asa ang magandang bunga ng lahat ng ito dahil kapag marunong tayong magtiwala sa plano ng Diyos, hindi rin tayo mawawalan nang pag-asa. Dahil ang umaasa sa Diyos ay nagtitiwala sa Diyos,” ayon kay Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 62,003 total views

 62,003 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 95,085 total views

 95,085 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 123,436 total views

 123,436 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 191,168 total views

 191,168 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 210,003 total views

 210,003 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top