Libreng Sakay, nais ipagpatuloy hanggang 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,950 total reads

Tiniyak ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang pagsusulong na maipagpatuloy ng pamahalaan ang Libreng Sakay Program hanggang sa susunod na taon.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang Libreng Sakay Program ng Department of Transportation (DOTr) ay malaki ang pakinabang sa mamamayan lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, gayundin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pamasahe.

Bukod sa Libreng Sakay Program, kabilang din sa probisyon ng panukalang national budget ang Pantawid Pasada Fuel Program na kinakailangang manatili lalo’t nakakatulong sa higit na nakakaraming mamamayan.

“Itong Pantawid Pasada at Libreng Sakay, diretsong ginhawa ito sa ating mga kababayan. Ayuda ito sa mga drayber at operators sa panahon ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. At ang libreng sakay naman ay malaking tulong sa ating commuter na nahihirapang pagkasyahin ang kita sa isang araw,” ayon kay Romualdez.

Nagsimula ang Libreng Sakay ng DOTr at Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) noong 2020 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act na ipinagtuloy hanggang 2022.

Sa bersyon ng Kamara sa 2023 national budget ang paglalaan ng 5.5 billion pesos para sa Pantawid Pasada Fuel Program, Libreng Sakay at pagpapagawa ng mga bike lane bilang bahagi 77-billion pesos institutional amendments o mga programa para sa publiko sa national budget.

Patuloy naman panawagan ng Simbahang Katolika sa pamahalaan ang paglikha ng mga trabaho, at polisiya na makakatulong sa mahihirap na Filipino sa epekto ng pandemya at krisis pang-ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,240 total reads

 212,240 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 246,913 total reads

 246,913 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 262,813 total reads

 262,813 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,303 total reads

 299,303 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,296 total reads

 305,296 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top