Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

On Marcos burial: Hindi mawawala ang diwa ng EDSA- Arch. Arguelles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 342 total views

Hindi nawawala ang diwa ng EDSA People Power l sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, kundi ang nawawala ngayon ay ang pagtitiwala sa Diyos.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Permanent Comittee on Public Affairs chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles kaugnay sa tuluyang ng paghihimlay sa dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Iginiit ni Archbishop Arguelles sa mga mananampalataya na kung tunay na nangingibabaw ang kanilang pananalig sa Diyos ay tatanggapin na nila ang naging desisyon na mailibing ang dating diktador dahil mahalaga na ang katawan ng yumao ay mabigyan na ng kapayapaan.

“Sabi raw na wala na yung spirit of EDSA ako hindi nawawala iyan, pero ang pagtitiwala sa Diyos ang nawawala. Kung tayo ay maka – Diyos kahit na iyan ay diktador basta patay na iyan. Pagdasal natin ang kaluluwa niya ang katawan niya igalang natin. Nagkasala siya, kailangan hindi natin sasabihin na mabuti ang ginawa niya pero pero huwag naman natin siyang kamuhian ngayong patay na siya,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Paliwanag pa ni Archbishop Arguelles, nauunawaan nitong maraming naging biktima ng naturang diktaturya ngunit mas mainam na ipagdasal na lamang ang kaluluwa ng dating pangulo at matuto sa nakaraan na hindi na muli pang maganap ang trahedya ng nakaraan.

Pinaalalahanan rin nito ang taumbayan na patuloy na mahalin ang demokrasyang nakamtan upang hindi na maulit pa sa kasalukuyan sa panunugkulan ng bagong Pangulo ang diktaturyang sumira sa kasarinlan ng bansa.

“Nagmukhang bayani yang Mamang iyan dahil yung mga sumunod sa kanya ay hindi naman bayani. Kaya muntik ng nanalo iyong kanyang anak dahil sa galit na pumalit sa kanya. Kaya naboto itong presidente na kaibigan naman ng dating diktador, isa pang gustong maging diktador. Paano napakasama ng ginagawa natin sa kalayaan na ipinaglaban ng natin. Yun ang mahirap, sa akin we get what we deserved. Because we dont try our best na talagang i – value yung freedom na ipinaglaban natin,” paglilinaw pa ni Archbishop Arguelles sa Raddyo Veritas.

Nabatid na ang naturang 103 hektaryang sementeryo kung saan ngayon inihimlay si dating Pangulong Marcos sa Taguig City ay himlayan ng mahigit 49,000 mga sundalong Pilipino, mambabatas, bayani at martir.

Sa katuruang ng Simbahang Katolika mahalagang mailibing na ang katawan ng isang yumaong pumanaw.

Gayunman nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na binalewala na lamang ang diwa ng EDSA sa naging desisyon ng Korte Suprema na mailibing sa Heroes Cemtery ang datinbg diktador.

Ngayong tanghali isang ‘military burial’ ang ibinigay kay Marcos sa LNMB kung saan naging bantay-sarado ng militar at pulisya ang seguridad dahil na rin sa mga nagpo-protesta.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 24,016 total views

 24,016 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 45,081 total views

 45,081 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 68,103 total views

 68,103 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 107,088 total views

 107,088 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 108,185 total views

 108,185 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 287,032 total views

 287,032 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top