Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ACN, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga biktima ng lindol sa hilagang Luzon

SHARE THE TRUTH

 1,090 total views

Tiniyak ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang pananalangin at pakikiisa sa lahat ng mga naapektuhan ng 7.3-magnitude na lindol sa Abra noong ika-27 ng Hulyo, 2022.

Ayon kay ACN Philippines President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nakahanda ang sangay ng Aid to the Church in Need sa bansa na maging daluyan ng biyaya at pag-asa para sa mga biktima ng malakas na pagyanig sa Northern Luzon.

Tiniyak ni Archbishop Villegas na maging tagapamagitan ang CAN ng mga nagnanais na magpaabot ng tulong at ayuda sa mga diyosesis na naapektuhan ng lindol.

“Prayers. Solidarity. If the faithful want to help we are willing to be a conduit to reach the bishops and most devasted areas.” pahayag ni Archbishop Villegas sa Radio Veritas.

Puspusan na rin ang isinasagawang pagtulong ng mga institusyon ng Simbahang Katolika sa pangunguna ng Caritas Philippines at Caritas Manila sa mga mamamayan na naapektuhan ng lindol.

Unang nagpadala ng inkind donations ang Caritas Manila sa mga naapektuhan ng lindol sa Archdiocese of Nueva Segovia at Diocese of Bangued sa Abra na nagkakahalaga ng ₱2,299,500.00.

Unang nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines sa bawat isa ng pagmamalasakit, pagbabahagi at pag-aalay sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 18,562 total views

 18,562 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 48,643 total views

 48,643 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 62,703 total views

 62,703 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 81,136 total views

 81,136 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567