ACN Philippines, nakikiisa sa prayer for peace para sa Myanmar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need Philippines sa pananalangin ng buong Simbahang Katolika sa Pilipinas para sa kapayapaan sa bansang Myanmar.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, higit na mabisa ang sama-samang pananalangin ng mga Kristiyano bilang sandata sa pagkamit ng pagkakaunawaan at kapayapaan.

Sinabi ni Luciano na mahalaga ang pananalangin upang tuluyang mawakasan ang hidwaan at hindi pagkakaunawaan na nagdudulot ng pasakit, hirap at takot sa mamamayan.

“Nakikiisa po ang Aid to the Church in Need sa pananalangin para sa kapayapaan sa Myanmar. Ang pagkakaisa natin bilang mga Kristiyano na naghahangad ng pagkakaunawaan, pagtanggap at kapayapaan ay mabisang sandata upang tuluyang mawakasan ang hidwaan na nagdudulot ng hirap, pasakit at takot sa marami nating mga kapatid lalo’t higit sa mga lugar kung saan tinutuligsa at pinahihirapan ang mga Kristiyano dahil sa kanilang pananampalataya at paniniwala.” pahayag ni Luciano sa Radio Veritas.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Pagbabahagi ni Luciano, nawa sa pamamagitan ng pananalangin para sa kapakanan ng mamamayan at Simbahang Katolika sa Myanmar ay dinggin ng Panginoon ang pagsusumamo ng bawat isa na mapagharian ng pag-ibig at pagkakaunawaan ang buong daigdig.

“Dumalangin tayo sa Diyos ng kapayapaan at pag-ibig na sana ay pakinggan Niya ang ating pangalangin para sa isang mundong pinaghaharian ng pag-ibig at pagkakaunawaan.” Dagdag pa ni Luciano.

Una ng inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pakikiisa ng Simbahan sa Pilipinas sa pananalangin para sa kapayapaan ng Myanmar.

sa isang sirkular ay umapela si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa lahat ng mga diyosesis at arkidiyosesis kasama na ang mga prelatura at apostolic vicariates sa bansa na mag-alay ng panalangin para sa Myanmar kasabay ng paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos sa ika-30 ng Mayo.

Sa pamamagitan ng isang liham ay ipinaabot ni Yangon Archbishop Cardinal Charles Maung Bo – Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of Myanmar (CBCM) kay Archbishop Valles ang “Extreme Appeal” ng pakikiisa at pananalangin matapos na atakihin ng militar ang isang Simbahan na nagsisilbing takbuhan ng mga mamamayan na naiipit sa patuloy na kaguluhan sa bansa kung saan apat ang namatay.

Batay sa tala, mula ng magsimula ang kaguluhan sa bansa noong unang araw ng Pebrero ng kasalukuyang taon tinatayang umaabot na sa mahigit 820 ang nasawi dulot ng patuloy na nagaganap na kaguluhan at karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 155,430 total reads

 155,430 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 228,123 total reads

 228,123 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 261,570 total reads

 261,570 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 296,869 total reads

 296,869 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 517,291 total reads

 517,291 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top