Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ACSP, nakibahagi sa ICRPPS sa Vatican

SHARE THE TRUTH

 46,110 total views

Nakibahagi ang mga opisyal ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines o ACSP sa ikalawang International Conference for Rectors and Pastoral Personnel of Shrines sa Vatican.

Pinangunahan ni Fr. Reynante Tolentino ang kasalukuyang Rector ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral at pangulo ng ACSP ang delegasyon ng Pilipinas para makiisa sa mahalagang pagtitipon.

Kabilang din si Fr. Tolentino sa magbahagi ng mga karanasan hinggil sa Antipolo Shrine kung saan sinabi nitong ito ang pagkakataon upang higit pang maipakilala sa buong mundo ang debosyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

“Ito ang magandang pagkakataong mas maibabahagi ang Mahal na Birhen ng Antipolo sa buong mundo, ang malagong debosyon at makainang pagkalinga nito sa mamamayan,” pahayag ni Fr. Tolentino sa Radio Veritas.

Tema sa pagtitipon sa Vatican ang ‘The Shrine: A House of Prayer’ na sinimulan noong November 9 at magtatapos nitong November 11 kung saan kasabay din nito ang paghahanda sa nalalapit na Jubilee Year ng simbahang katolika sa 2025.

Unang inilusand ang pagtitipon ng mga shrine rectors noong 2018 sa inisyatibo ng Dicastery for Evangelization kung saan isa sa katuwang ni Pope Francis sa pangangasiwa ng tanggapan ay si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

Samantala sa January 26, 2024 pormal nang itatalaga ang Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas, ikatlo sa Asya at pang – 11 sa buong mundo.

Batay sa kasaysayan January 14, 1954 nang ideklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang dambana bilang National Shrine kung saan dinadayo ito ng milyong milyong deboto sa bansa lalo na ang Penitential Walk mula Quiapo Church matapos ang “Pagdalaw ng Ina sa Anak” tuwing April 30 bago magsimula ang pilgrimage season mula unang Martes ng Mayo hanggang sa unang Martes ng Hulyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 6,614 total views

 6,614 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 24,948 total views

 24,948 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 42,723 total views

 42,723 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 118,669 total views

 118,669 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 142,418 total views

 142,418 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 33,746 total views

 33,746 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top