Acting President ng CBCP, nanawagan sa mga Obispo na tugunan ang pangangailangan ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines sa mga pinunong pastol ng mga diyosesis sa buong bansa na tugunan ang pangangailangan ng mga pari lalo na ngayong pandemya.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang acting president ng CBCP, hinimok nito ang kapwa obispo na tulungan ang mga pari na nasasakupan upang maiwasan ang pagkalungkot at depresyon.

“I am also calling on my brother Bishops na alalayan din natin ang mga pari natin lalo na ngayong panahon ng pandemya,” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa mga naiulat na pagpatiwakal ng ilang lingkod ng simbahan sa Apostolic Vicariate of Calapan Mindoro at nitong huli sa Diyosesis ng Antipolo.

Aminado si Bishop David na hindi ligtas ang mga pari sa kalungkutan sapagkat mga tao rin ito na maaring makaranas at mabiktima ng mental health issues dulot ng pagkabalisa, trauma at iba pang sanhi ng depresyon.

Inihayag ng Obispo na may mga pari na nalulungkot at apektado sa krisis pangkalusugang dulot ng corona virus pandemic sapagkat hindi nagagawa ang tungkulin bilang pastol ng simbahan dahil na rin sa mga limitasyong ipinatutupad upang makaiwas sa pagkahawa.

“Many of them are also very vulnerable; I know some of them feel depressed and very guilty dahil hindi sila makalabas and they cannot attend to their pastoral duties,” dagdag pa ni Bishop David.

Dahil dito hinikayat din ng opisyal ng CBCP ang mga lingkod ng simbahan na maging malikhain sa pag-abot sa mga parishioners gamit ang makabagong teknolohiya sa tulong ng internet at social media.

Naunang sinabi ni Reverend Father Dan Cancino, ang executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care na mahalagang pagtuunan din ng pansin ng lipunan ang pangangalaga sa mental health lalo ngayong panahon ng pandemya.

Batay sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), aabot lamang sa 33 ang suicide-related calls mula noong Enero hanggang Marso ngayong taon, ngunit nadagdagan ito at umabot na sa 115 tawag noong Hulyo.

Hinimok rin ni Radio Veritas anchor priest Fr. Victor Sadaya, CMF, executive director ng Porta Coeli Center for Psychotrauma Management ang simbahan na magkaroon ng programang pangkalusugang mental para sa mga pari at lumikha ng support group.

Ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 74,655 total reads

 74,655 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 169,661 total reads

 169,661 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 213,929 total reads

 213,929 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 237,038 total reads

 237,038 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 308,825 total reads

 308,825 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top