Administrasyong Duterte, Dapat makinig sa boses ng mamamayang tutol sa Federalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Kinakailangang pakinggan at gamiting batayan ng Pamahalaan ang pananaw at pulso ng mga mamamayan sa usapin ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Co-Convenor of the Movement Against Tyranny kaugnay sa paninindigan ng mamamayan kaugnay sa pagsusulong ng kasalukuyang Administrasyong Duterte sa pagpapalit ng sistema ng Pamamahala sa Bansa mula sa Demokratiko patungong Federal Form of Government.

Iginiit ng Madre na hindi dapat balewalain ng Pamahalaan ang Pananaw at Opinyon ng mga mamamayan sapagkat malaki at mayroong Direktang Epekto ang pagpapalit ng paraan ng Pamamahala sa Bansa sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.

Nangangamba si Sr. Mananzan na malaki ang posibilidad na tuluyan ng ipagsawalang bahala ng Pamahalaan ang posisyon ng mamamayan at igiit na walang sapat na pagtalakay at Konsultasyon sa mamamayan.

“Hindi ba nagkaroon na ng survey na 66 percent ayaw ng Federalism, bakit hindi sila makinig doon kung it is favorable to them the survey then they well say ‘ang taas-taas ng survey namin’ pero kapag ang survey is against what they want papaano yun diba? sa akin it is going to run done in our throats and people will not know what they are going to vote for.” pahayag ni Sr. Mary John Mananzan, OSB sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang kinundena ng Social Action Director ng Diocese of Legazpi na si Father Rex Arjona ang disinformation ng PTV4 at Bicol-PIA na sinasabing 6-libong Local Officials sa Bicol Region ang sumusuporta sa Federalismo.

Read more: Panloloko ng PTV4 sa saloobin ng taongbayan, kinondena ng isang Pari

Batay sa resulta ng pinakahuling isinagawang survey ng Social Weather Station tanging 25-porsyento lamang ng mga Filipino ang mayroong sapat na kaalaman tungkol sa isinusulong na Federal System of Government sa bansa.

Samantala, lumabas naman sa isinagawang Pulse Asia Survey na 66-na-porsyento ng mga Filipino ang tutol sa pagpapalit sa kasalukuyang Unitary System of Government ng Bansa sa Federal form of government.

Unang nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na bilang isang mabuting mamamayang Kristyano ay dapat na makisangkot at makibahagi ang bawat isa sa mga nagaganap at mga usaping panlipunan tulad na lamang ng pagpapalit ng Konstitusyon ng Bansa bilang bahagi ng tungkulin ng bawat isa sa isang malaya at Demokratikong Bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,136 total reads

 33,136 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,772 total reads

 69,772 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,983 total reads

 87,983 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,311 total reads

 172,311 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,186 total reads

 208,186 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,238 total reads

 38,238 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top