Advent, panahon ng pagsisisi at pangungumpisal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,095 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga Kristiyano na mangumpisal ngayong panahon ng Adbiyento bilang paghahanda sa papalapit na pasko.

Ayon kay CBCP – Episcopal Commission on the Laity Chairman at Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ang panahon ng Adbiyento ay panahon rin ng pagsisisi at pangungumpisal bilang paghahanda sa pagdating ng Mesiyas.

Ito ang mensahe at pagninilay ng Obispo sa ikalawang linggo sa panahon ng adbiyento.

Inihayag ni Bishop Pabillo na mahalagang sa pagdating ng pasko ay handa na ang puso ng bawat isa upang tanggapin sa Hesus na siyang katuparan ng pagmamahal at pangakong kaligtasan ng Panginoon sa lahat.

“Ang panahon ng Adbiyento ay panahon ng pagsisisi, panahon ng pagkukumpisal. Nananawagan tayo ngayon na magkumpisal sa mga Kristiyanong nabinyagan na, sana maghanap tayo ng pagkakataon para mangumpisal, para pagdating ng pasko matanggap natin si Hesus sa ating puso na inihanda natin para sa kanya…”paanyaya ni Bishop Pabillo

Ayon sa Obispo, bagamat sa pamamagitan ng binyag ay nalinis na ang bawat isa mula sa kasalanan ay hindi pa rin maiiwasan ang muling magkasala o makagawa ng kamalian na dapat ikumpisal at humingi ng kapatawaran.

Sinabi ni Bishop Pabillo na sa ganitong paraan ay naiwawaksi at muling napapadalisay ang puso at isip ng bawat isa na isang pangunahing paraan upang muling makapagbagong buhay at mapalapit sa Panginoon.

“Tayo ay nilinis na sa tubig ng binyag pero nagkakasala pa rin tayo, ang pagtanggal sa kasalanan na nagawa pagkatapos ng binyag ay ang pagkukumpisal, pumupunta tayo sa kumpisalanan dahil nagsisisi na tayo, inaamin na natin ang ating pagkakamali at ikinukumpisal ito…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang panahon ng adbiyento ay ang apat na linggong paghihintay at paghahanda para sa Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang kung saan sa Linggo ito nagsisimula ang Bagong Taon sa Kalendaryo ng ating Simbahan.

Ang Adbiyento ay katulad rin ng matiyagang paghahanda at paghihintay ng siyam na buwan ng Mahal na Birheng Maria upang iluwal sa kanyang sinapupunan ang bugtong na anak ng Diyos na siyang tagapagligtas ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,719 total reads

 59,719 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,780 total reads

 138,780 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,225 total reads

 172,225 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,523 total reads

 207,523 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,628 total reads

 431,628 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top