Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Agarang pagkilos sa krisis sa kapaligiran, hamon ng FABC sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 122 total views

Nanawagan ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) ng mas pinaigting na pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ at ng pagdiriwang sa Taon ng Jubileo ng Pag-asa.

Ngayong araw, May 24, 2025, ginugunita ang isang dekada mula nang lagdaan ni Pope Francis ang kauna-unahang ensiklikal na nakatuon sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Nakasaad sa FABC Pastoral Letter na “A Call to Ecological Conversion,” na inilabas noong March 15, 2025, muling iginiit ng mga obispo sa Asya ang matinding krisis sa kapaligiran bilang hamon sa pananampalataya at panawagan sa pagbabalik-loob.

Binigyang-diin sa liham ang patuloy na pagkasira ng kagubatan, polusyon sa hangin, krisis sa tubig, at matinding epekto ng pagbabago ng klima—na higit na nagpapahirap sa mga dukha.

“These ecological tragedies affect Asia’s poorest and most vulnerable communities…In this time of the Jubilee, these afflictions call us to repentance, conversion, and a deeper commitment to our shared responsibility, as stewards of God’s creation,” ayon sa FABC.

Gayunman, tinukoy ng kapulungan ang mga palatandaan ng pag-asa tulad ng mga inisyatibong pangpamayanan, pakikilahok ng kabataan, at pagtutulungan ng iba’t ibang pananampalataya sa adbokasiya para sa kalikasan.

Hinimok din ng FABC ang mga Simbahan sa Asya na maglunsad ng mga programang ekolohikal, pagpapanibago ng espiritwalidad, at pakikilahok sa mga pandaigdigang pagkilos tulad ng isasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties (COP30) sa Belem, Brazil sa November 10-21, 2025.

Bahagi rin ng panawagan ang pagsusulong ng mas makatarungang batas sa kalikasan, sapat na pondo para sa mga nasalanta ng kalamidad at sakuna, at pagsusuri sa mga sistemang pampinansyal na nagpapalala sa kahirapan ng mga umuunlad na bansa.

“Let us ensure that the voices of the most vulnerable are heard and that the call for justice resonates strongly, especially in the context of our shared Christian responsibility to care for the earth and all its inhabitants,” dagdag ng pahayag.

Sa huli, inaanyayahan ng FABC ang mga mananampalataya na gawing panahon ng pagninilay at pagbabalik-loob ang Season of Creation—mula September 1 (World Day of Prayer for the Care of Creation) hanggang October 4 (Kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan), bilang pakikiisa sa Jubilee Year of Hope 2025 at tugon sa hamon ng Panginoon na pangalagaan at pagyabungin ang Kanyang mga nilikha.

“Let us walk the Pilgrimage of Hope together, responding with faith and courage. We trust that Christ walks with us, renewing the face of the earth through our collective efforts,” saad ng FABC.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 3,466 total views

 3,466 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 11,702 total views

 11,702 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 19,684 total views

 19,684 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 28,255 total views

 28,255 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 36,425 total views

 36,425 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top