Isabuhay ang pananagutan bilang taga-pangalaga ng kalikasan, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 12,513 total views

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na pagnilayan ang pananagutan ng tao bilang tagapangalaga ng kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ ni Pope Francis.

Ayon kay Bishop Santos, isang dekada na ang nakalipas nang ipinaalala ni Papa Francisco na ang mundo ay hindi simpleng bagay na maaaring pagsamantalahan, kundi biyayang ipinagkatiwala ng Maykapal sa sangkatauhan.

“He urged us to listen to the cry of the poor and the cry of the earth, to recognize that our well-being is intricately tied to the well-being of our planet. In this time of reflection and renewal, let us recommit ourselves to the principles of Laudato Si’,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok ng obispo ang lahat na isabuhay ang konkretong pagkilos para sa ekolohikal na katarungan—kabilang ang pagbabawas ng basura, pagtitipid ng tubig, pangangalaga sa kagubatan, at pagsusulong ng mga patakarang makakalikasan.

Binigyang-diin din ni Bishop Santos ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng espiritwalidad na ekolohikal–ang pagkilala sa presensya ng Diyos sa sangnilikha at pagtugon dito nang may pasasalamat at malasakit.

Hamon pa ng obispo sa mga parokya, paaralan, at pamayanan na maging huwaran ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapakita ng habag sa kapwa.

“I encourage all people of goodwill to take part in this mission. Let our parishes, schools, and communities be shining examples of sustainability and compassion. Let us walk together, inspired by faith and love, to safeguard this world for future generations,” ayon kay Bishop Santos.

Nilagdaan ni Pope Francis ang Laudato Si’ noong May 24, 2015, kasabay ng Linggo ng Pentekostes, at isinapubliko noong June 18, 2015 bilang kauna-unahang ensiklikal ng Simbahan na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan, ang nag-iisang tahanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,128 total views

 13,128 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,772 total views

 27,772 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,074 total views

 42,074 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,776 total views

 58,776 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,640 total views

 104,640 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top