AJKF, patuloy na nakaagapay sa pamilyang naiwan ng EJK victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 473 total reads

Tiniyak ng Arnold Jannsen Kalinga Foundation – Program Paghilom ang patuloy nna pag-agapay sa mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng ng extrajudicial killings (EJK) dahil sa marahas na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Ito ang tiniyak ng Program Paghilom na itinatag ni Divine Word Missionary Priest at 2025 Ramon Magsaysay Awardee Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva SVD sa isinagawang seremonya ng turn-over sa mga cremated remains ng dalawang biktima ng EJK sa kanilang pamilya kasabay ng anibersaryo ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-11 ng Marso, 2026.

Ayon sa Program Paghilom, ang nasabing araw na ito ay paalala na ang paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ay mahalagang bahagi ng paghilom ng kanilang mga pamilya at ng patuloy na pag-alala at paggalang sa buhay ng bawat biktima.

Tiniyak din ng Program Paghilom ang pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng karahasan sa pamamagitan ng pag-agapay, pagkakaloob ng psychosocial assistance, at paglaalaan ng maaayos at may dignidad na himlayan sa mga nasawing biktima ng EJK.

“Program Paghilom will continue to support families affected by past violence through accompaniment, memorialization, and psychosocial assistance. By preserving the memory of victims and assisting families, the program seeks to help communities move toward healing while maintaining a commitment to truth and justice.”

Bahagi ng mensahe ng Program Paghilom.

Una ng inihayag ni Fr. Villanueva na layunin ng kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang Dambana ng Paghilom na mabigyan ng dignidad at pagpapahalaga ang lahat ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang naaangkop na himlayan at huling hantungan para sa mga nasawi sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa kasalukuyan may mahigit sa 300 ang bilang ng mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,643 total reads

 75,643 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,501 total reads

 110,501 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,801 total reads

 145,801 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,070 total reads

 372,070 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,359 total reads

 261,359 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top