Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Ako’y isang dayuhan at inyong pinatulóy”

SHARE THE TRUTH

 381 total views

Mga Kapanalig, nang inilarawan ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang paghuhukom—isang yugtong mababasa natin sa Mateo 25:31-45—sinabi niya: “Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa mga pinakahamak, ako ang inyong pinagkaitan.” Kasama sa mga binanggit Niyang pinakahamak ay ang mga dayuhan. “Sapagkat ako’y isang dayuhan at inyong pinatulóy,” sasabihin ng Anak ng Tao sa mga nasa kanan ng kanyang trono. 

Oktubre noong isang taon nang hilingin ng Estados Unidos na pansamantalang tanggapin ng Pilipinas ang mga refugees mula sa bansang Afghanistan. Kung inyong matatandaan, bumalik sa kapangyarihan ang Taliban sa Afghanistan matapos umatras doon ang tropang Amerikano noong 2021. Ang Taliban ay kilala sa kanilang istriktong interpretasyon ng Sharia law na sanhi naman ng paglabag sa mga karapatang pantao lalo na ng mga babae.  

Ang hiling ng gobyernong US sa ating pamahalaan: patirahín muna rito ang nasa 50,000 Afghans sa loob ng hindi bababa sa dalawang buwan. Ang mga Afghans na ito ay mga dating empleyado ng gobyernong US, at ang pagtira nila sa Pilipinas, kung sakaling matutuloy, ay habang pinoproseso ang special immigrant visas upang makapasok naman sa Amerika. Sasagutin daw ng Amerika ang magiging gastos ng mga refugees katulad ng kanilang pagkain at tirahan.

Sa isang pagdinig ng Senado noong nakaraang buwan, may mga mambabatas tayong nagdadalawang-isip sa hiling na ito ng Amerika. Hindi raw kaya magiging espiya ng Amerika ang mga refugees? Tanong iyan ng kapatid ni Pangulong BBM na si Senadora Imee Marcos. Para naman sa National Bureau of Investigation at National Intelligence Coordinating Agency, maaaring maging banta ang mga dayuhan sa ating seguridad, lalo na sa mga lugar na maraming Muslim. Baka may mahalo raw na mga terorista sa mga refugees na nais ng Amerika na papasukin sa ating bansa. Mas matigas naman ang pagtutol ni Vice President Sara Duterte. Mistulang panghihimasok daw ang gustong mangyari ng Amerika sa ating kapangyarihang piliin kung sinu-sino ang mga pwedeng pumasok sa Pilipinas.

Nakalulungkot ang mga pahayag na ito, lalo na’t mayroon tayong mahabang kasaysayan ng pagkupkop sa mga dayuhang dahil sa giyera at pag-uusig ay nais umalis sa kanilang lupang sinilangan. Noong World War II, tumanggap tayo ng mahigit sanlibong Jewish refugees. Noong dekada ’70 naman, tinanggap natin ang mga tinaguriang “boat people” mula sa Vietnam na nais takasan ang giyera doon. Nasa mahigit 400,000 na refugees ang kinupkop noon ng Pilipinas. Mula 2017 naman, nagsimulang tumanggap ang ating bansa ng mga Rohingya refugees na pinagmamalupitan ng gobyerno ng Myanmar. Naging santuwaryo ng mga dayuhang ito ang ating bansa, at marami nga sa kanila ang nagkaroon na rito ng tahanang matatawag. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pormal na sagot ang ating pamahalaan sa hiling Amerika. Hindi maiiwasang may mag-alalá para sa ating seguridad. Hindi rin masisisi ang mga nagsasabing ginagawa tayong kasangkapan ng Amerika para sa kaguluhang sila mismo ang nagsimula sa Afghanistan. Hindi rin daw ba pagkukunwari ang pagtanggap sa mga refugees gayong dito mismo sa atin, may mga kababayan tayong hindi tinatanggap ng kanilang kapwa? 

Matapos ang pagbabalik sa kapangyarihan ng Taliban, nanawagan noon si Pope Francis sa mga bansang pagbuksan ng pinto ang mga Afghans na naghahanap ng kanlungan. Ito ay panawagang nagmumula sa pagpapahalaga ng ating Simbahan sa dignidad ng tao, sa kapayapaan, at sa pagkakapatiran. 

Mga Kapanalig, ipagdasal nating maliwanagan ang ating mga lider sa usaping ito. Makita sana nila ang pangangailangan sa madaliang pagkilos upang tulungan ang mga dayuhang nais lamang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay. Maging instrumento sana tayo ng pagtataguyod ng dignidad ng tao, kahit pa ng mga dayuhan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,011 total views

 28,011 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,111 total views

 36,111 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,078 total views

 54,078 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,118 total views

 83,118 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,695 total views

 103,695 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,012 total views

 28,012 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 36,112 total views

 36,112 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,079 total views

 54,079 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,119 total views

 83,119 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 103,696 total views

 103,696 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,754 total views

 86,754 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,535 total views

 97,535 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,591 total views

 108,591 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,453 total views

 72,453 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,882 total views

 60,882 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,104 total views

 61,104 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,806 total views

 53,806 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,351 total views

 89,351 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,227 total views

 98,227 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,305 total views

 109,305 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top