Alagaan ang mental health ng mga estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,240 total reads

Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health?

Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso daw ng completed suicide o pagpapatiwakal na nauwi sa kamatayan. Nasa 2,147 naman ang kaso ng attempted suicide o mga pagtatangkang magpakamatay.

Nitong Hunyo, pumirma ng kasunduan ang Commission on Higher Education (o CHED) at Unilab Foundation para sa training program ng mga guidance counselor, health staff, at student leaders sa mga higher education institutions para sa suicide awareness and prevention. Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, ang pagpapaubaya sa mga guro ng mga isyu sa mental health ng mga estudyante, gaya ng karaniwang ginagawa, ay “prone to mistakes”, lalo na kung hindi sapat ang kakayahan ng mga guro na tugunan ang mga ito. Makatulong sana ang hakbang na ito ng CHED para makatanggap ang mga estudyanteng nakararanas ng mga isyu sa mental health ng angkop na tugon mula sa mga trained individuals.

Hindi rin exempted sa mga mental health issues ang mga nasa murang edad. Ayon sa Department of Education (o DepEd), may 1,686 na kaso ng completed suicide at 7,892 na kaso ng attempted suicide sa mga estudyanteng nasa elementary at high school mula 2017 hanggang 2023. Isa sa mga kakabit na isyu ng mental health na karaniwang hinaharap ng mga bata ay ang pambu-bully. Ipinakita sa 2022 Programme for International Student Assessment na isa sa bawat tatlong estudyanteng Pilipino ang nakaranas ng pambu-bully, at mayroon daw itong negatibong epekto sa kanilang pag-aaral. Dahil dito, kasabay ng mga mental health programs ng DepEd, kasalukuyang pinag-aaralan ang paggamit ng Filipino Social and Emotional Learning competency framework upang magabayan ang mga guro sa pagtuturo sa mga bata ng good social behavior na makatutulong sa pag-iwas sa pambu-bully.

Mainam ang mga tugong ito sa pagpapahalaga sa mental health, lalo na sa mga bata at kabataan. Ang kalusugan ng kanilang pag-iisp ay konektado sa pagbuo ng kanilang pagkatao at kanilang pag-aaral. Ngunit hindi lang sa pansariling kapakanan ang epekto ng maayos na mental health, kundi pati na rin sa pakikitungo ng mga bata at kabataan sa mga nasa paligid nila. Sa mensahe ni Pope Benedict XVI sa World Day of the Sick noong 2006, sinabi niyang kasabay ng paglitaw ng mga mental health illnesses ang posibilidad na masira ang social cohesion ng mga panlipunang institusyon gaya ng pamilya.

Sa huli, mga Kapanalig, hindi lang sana sa mga paaralan bigyang-pansin ang mental health ng mga bata at kabataan. Dapat itong magsimula sa tahanan pa lang, sa kanilang pamilya. Maging sensitibo tayo sa kanilang mga dinaranas at nararamdaman. Kalingain natin sila bilang tanda ng ating pananampalataya, gaya ng sabi sa 1 Timoteo 5:8. Maaari nating simulan sa simpleng paraan ng pakikinig sa kanila nang walang panghuhusga upang maramdaman nilang may katuwang sila sa kanilang mga pinagdadaanan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 26,793 total reads

 26,793 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 49,565 total reads

 49,565 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 86,065 total reads

 86,065 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 306,690 total reads

 306,690 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 339,776 total reads

 339,776 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Fashion show sa baha

 26,794 total reads

 26,794 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 49,566 total reads

 49,566 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 86,066 total reads

 86,066 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 306,691 total reads

 306,691 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »
Scroll to Top