VeritasPH

The Word, The Truth

 287 total views

Mga Kapanalig, dalawang linggo na ang nakalipas nang isang lider-manggagawa sa Canlubang, Laguna ang walang habas na pinaulanan ng bala. Siya si Dandy Miguel, ang karagdagan sa napakahabang listahan ng mga aktibistang pinatay.

Ayon sa human rights group na Karapatan, nasa 30 aktibista sa Timog Katagalugan ang napapatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa tala naman ng Commission on Human Rights o CHR, mayroon nang 130 aktibista ang napapatay mula nang manungkulan si Pangulong Duterte hanggang noong ika-7 ng Marso na tinaguriang “Bloody Sunday” kung saan siyam na aktibista ang napatay sa sabay-sabay na operasyon ng kapulisan laban daw sa mga komunista sa iba’t ibang probinsya sa Timog Katagalugan. Karamihan sa mga aktibistang napatay sa “Bloody Sunday” ay mga kasamahan ni Dandy Miguel sa pakikibaka. Sa katunayan, katuwang si Dandy Miguel ng mga naulilang pamilya ng mga biktima ng “Bloody Sunday” sa pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis. Ngunit matapos ang madugong pangyayari noong ika-28 ng Marso, kasama na siya sa ipapanawagan ng hustisya.

“Sahod, trabaho, karapatan, ipaglaban.” Ito ang panawagan ni Dandy sa damit na kanyang suot nang pinaslang siya. Balot man ng dugo, hindi maikakaila ang maigting niyang hangarin na isulong ang karapatan ng mga manggagawa. Miyembro si Dandy ng mga samahang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan kung saan gawain niyang mag-document ng iba’t ibang porma ng labor rights violations sa mga industrial zones sa rehiyon. Boses siya sa panawagang itaas ang minimum wage at tapusin ang “endo” o kontraktwalisasyon. Lider din siya ng unyon ng mga manggagawa sa Fuji Electric Company sa Laguna kung saan pinangunahan niya ang negosasyon sa pamunuan ng kumpanya upang magkaroon ng health and safety measures ang mga manggagawa sa kasagsagan ng pandemya. Matagumpay din nilang naisulong ang collective bargaining agreement sa kumpanya upang madagdagan ang minimum wage ng mga manggagawa ng ₱40 noong 2020 at ngayong 2021, at ₱50 sa 2022.

Sa kasamaang palad, hindi na maipagpapatuloy ni Dandy ang lahat ng gawaing ito. Nawalan hindi lamang ang kanyang pamilya ng isang kaanak kundi pati ang maraming manggagawang umaaasa kay Dandy.

“Huwag kang papatay.” Paulit-ulit na nating naririnig ang paalalang ito mula sa Exodo 20:13, ngunit tila naging manhid na ang ating bayan sa panaghoy na ito. Malinaw ang mga turo ng Simbahan sa kasagraduhan ng buhay ng tao. Ang bawat isa ay nilalang na kawangis ng Diyos at ito ay nakatuntong sa walang maliw Niyang pag-ibig sa atin. Hindi kailanman magiging tamang pumaslang ng tao, anuman ang paniniwala o ipinaglalaban nila sa buhay.

Si Dandy, bilang lider ng mga samahan at unyong-manggagawa, ay bahagi ng mahalagang misyon ng Simbahan para sa isang makatarungang buhay-paggawa. Naninindigan ang mga panlipunang turo ng Simbahan na ang mga unyon o anumang porma ng mapayapang sama-samang pagkilos upang maisulong ang karapatan ng mga manggagawa ay mahalagang parte ng pagtatayugod ng katarungang panlipunan. Ang ambag ng mga unyon at lider-manggagawa ay mahalaga sa pagpapanday natin ng isang mas makatao at maka-Diyos na lipunan. Tulad nga ng sabi ni Pope Francis, “walang mabuting lipunan kung walang mabubuting unyon.”

Mga Kapanalig, ang pakikibahagi sa mga unyon o mga samahang nagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa ay isang porma ng aktibismo, hindi terorismo. Marami sa mga karapatan natin ngayon ay nakamit natin dahil sa pagpupunyagi ng mga aktibista. Ang pagpatay sa kanila ay isang tahasang pagyurak sa dignidad ng tao. Ito rin ay pagkakait ng pagkakataong maipanawagan ang mga karapatang ipinagdadamot ng mga kasalukuyang istruktura ng lipunan sa mga naisasantabi sa lipunan. Sa patuloy na pagdanak ng dugo ng mga aktibista, nawa’y piliin nating maging boses nila.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,912 total views

 9,912 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,897 total views

 17,897 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,433 total views

 25,433 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,418 total views

 41,418 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,462 total views

 49,462 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,913 total views

 9,913 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,898 total views

 17,898 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,434 total views

 25,434 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,419 total views

 41,419 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,463 total views

 49,463 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,849 total views

 45,849 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,274 total views

 44,274 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,060 total views

 46,060 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,985 total views

 42,985 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,299 total views

 57,299 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,989 total views

 60,989 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,592 total views

 59,592 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,579 total views

 69,579 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,547 total views

 73,547 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,434 total views

 84,434 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top